Returning

784 19 5
                                    

Ann Pov

Dumilat Ako at pinakiramdaman Ang palagid. Nasa Cabin na kami.

Nakita ko na ginagamot ni Bert Ang sugat ko at nag-uusap naman ang iba.

"Wala Yung mga sasakyan natin sa likod, kinuha ata ng mga tao na yon" Saad ni Prince.

"Ano! kinuha nila Yung mga sasakyan! Paano tayo makakaalis Dito ayoko magtagal dito aalis nako kahit Lakarin ko Yung kalsada gagawin ko" Saad ni Eliza.

"Madilim sa labas Dito Muna tayo sa loob Ng cabin nila Ann" Saad ni joy.

"Sa tingin mo ba hindi susunod Yung babae na yon satin dito, kahit nakababa na tayo baka sumunod satin Yung nilalang nayon, Pinatay nun si Venus Kaya sigurado akong tayo, next don" Saad ni Eliza.

"Ano gusto mo? Lumabas Dito sa Bahay, sugurin Yung madilim na labas, baka nga Doon naghihintay Yun e, pang samantala Dito Muna tayo wag tayo maghiwalay hiwalay lahat" Saad ni Prince.

"Paano Ka nakaka sigurado na Hindi makakapasok Yun Dito, Di Ka ba nag iisip prince Hindi tao Yun! sigurado talaga akong susundan tayo nun" Saad ni Eliza.

"Ikaw ba nakakasigurado pag lumabas tayo, ligtas tayo don?" Saad ni Prince.

"Tama na! Dito lang tayo Walang lalabas kung ano Mang mangyayari sama sama tayong haharapin yon" Saad ni Bert.

"Pati ba Naman Ikaw kampi sa kanya, Ako Ang girlfriend mo dapat Ako paniwalaan mo!" Sigaw ni Eliza.

"Wala akong kinakampihan sa Inyo" Saad ni Bert.

"Kung ayaw niyong makinig sakin bahala kayo, aalis nako Dito" Saad ni Eliza.

"Babe Naman, delikado nga sa labas madilim pa" Saad ni Bert ngunit Hindi nakinig si Eliza at patuloy na nililigpit Ang mga gamit nito at hinanap Ang flashlight na dadalhin.

"Hayaan niyo Silang lumabas" Saad ko habang nakahiga sa sofa sa sala.

"Sinabihan ko na Sila na mas delikado sa labas pero pinipilit padin nilang lumabas" Saad ni Prince.

"Hahanap Ako Ng paraan kailangan natin humingi Ng tulong, baka Naman may signal Dito" Saad ni Joy at Patuloy na naghahanap Ng Signal.

"Wala, sinubukan na Namin Yan kanina, Wala kaming masagap" Saad ni Prince.

"Nasaan na Kaya Sila Emma at Jack pati si Jhon" Saad ni Joon.

"Baka nakuha na Sila Nung babae multo nayon" Saad ni Min.

"Wag Kang magsalita Ng ganyan, Ligtas Silang babalik dito" saad ni joy.

Nahinto Silang lahat na may kumakatok sa labas.

Napatigil din sila Eliza at Bert sa pag-aaway.

Walang nagsalita at walang kumilos sa kanila hinihintay nila na magsalita Muna Yung nasa labas bago nila iyon buksan.

"Ako to si Jhon, Papasukin niyo ko!" Saad ng nasa labas.

"Paano kami mapapaniwala na Si Jhon Ka!" Sigaw ni Min.

"Pare, buksan mo to! bilisan mo na! Ako nga to! Kakatayin kita kapag di mo to binuksan agad" Sigaw ni Jhon.

"Sige buksan mo na Joon" Saad ni Joy.

Nang buksan Ang pinto ay hinihingal na pumasok si Jhon Kaagad Naman nilang nilock Ang pintuan Ng makapasok si jhon.

"Nasan Sila Jack at Emma?" Saad ni Joon.

"Wala na sila" tanging Saad ni Jhon.

"Anong Sabi mong Wala na? Nasan Yung dalawa jhon" Saad ni Joon at nilapitan si Jhon.

"Nahuli si jack Nung babaeng multo, tumakbo kami ni Emma kaso binalikan ni Emma si jack Kaya Ako lang Ang nakaba--" naputol Ang sasabihin ni Jhon Ng sinuntok sya ni Joon.

"Eh Gago Ka Pala! Iniwan mo si Emma sa gitna ng gubat, niligtas mo lang Ang Sarili mo!" Sigaw ni Joon.

Kaagad na hinarang nila Min at Prince si Joon para di na magulpi nito Si Jhon.

"Siya Ang bumalik pinilit ko sya sumama Dito kaso gusto Niya talagang balikan si jack" sigaw ni Jhon.

"Kahit na! alam mo kung ano Yung nandon, tapos pinabayaan mo lang siyang iwanan don!" Sigaw ni Joon.

"Tama na! Wag kayong mag-away, nasa ganitong sitwasyon na nga tayo nagkakaganyan pa kayo!" Sigaw ni Joy.

"Babalikan ko si Emma don! Dadalhin ko sya Dito!" Saad ni Joon ngunit di siya pinakawalan ni min at Prince.

"Pare kumalma Kalang, sigurado akong babalik Yung dalawa matapang si Jack at Hindi Niya hahayaan na masaktan si Emma" Saad ni Min.

"Nandito na sya" tanging saad ko.

Biglang may kumatok sa pintuan.

"Si Emma Yan bitawan niyo ko bubuksan ko Yung pinto" Saad ni Joon.

Hindi nila binitawan si Joon at nagkatinginan kung bubuksan ba talaga nila ang pinto.

"Kung si Jhon pinapasok niyo Dito Ngayon si Emma Ang kumakatok hindi niyo binubuksan" Saad ni Joon.

"Sigurado Ka bang si Emma Yan? Diba Hindi, hindi pa sya nagsasalita" Saad ni Prince.

Hinintay nilang may magsalita ngunit Wala pading sumasagot.

Kumatok ulit iyon at ngayon nagsalita na ito.

"Papasukin niyo ko, Ako to si Emma"

Mabilis na tinakbo ni Joon Ang pinto at pinapasok si Emma.

"Salamat at okay lang" Saad ni Joon at niyakap si Emma.

"Si- si jack Wala na siya Pinatay sya" iyak ni Emma habang yakap si Joon.

"Patawad Emma Hindi ko sinasadyang Iwan Ka don" Saad ni Jhon.

Bumitaw si Emma sa yakap ni Joon at nagsalita.

"Aakyat lang Ako sa taas Hindi kita Kayang harapin" Saad ni Emma at umakyat sa taas habang inaalo ito ni Joy at sumunod din iyon sa taas.

"Dapat Hindi niyo sya pinapasok Dito" Saad ko.

Hindi nila alam Ang Ginawa nila, pinapasok nila Ang dapat na Hindi makapasok sa loob Ng Bahay nato.

"Si Emma iyon at bakit ayaw mo syang papasukin, siya Ang nagligtas sayo Ann sya Ang nagsabi Samin na tulungan Ka" Saad ni Prince.

"Nagkakamali kayo! dapat Wala sya Dito dapat Hindi niyo sya pinapasok! Nasa malaking problema tayo Ngayon!" Sigaw ko at pilit na tumatayo ngunit Hindi ko magawa dahil sa sugat ko.

"Bert, tingnan mo din Ang ulo Niya baka may pinsala din, iniisip niyang may gagawing masama satin si Emma" Saad ni Joon.

"Pinadali niyo sa kanya Ang Plano Niya, Sya Ang nagsimula Ng lahat Ng ito maniwala kayo sakin, Kailangan na patayin natin siya agad" Saad ko.

"Nababaliw Ka na Ann anong pinagsasabi mo!" Sigaw ni Joon.

"Kung Hindi natin gagawin Yun tayo Ang papatayin Niya" Saad ko.

"Lalagyan ko nalang sya Ng pangpatulog baka epekto Ng gamot Kaya sya ganyan." Saad ni Bert.

"Bitawan niyo ko kailangan niyang mawala nasa panganib tayong lahat dahil sa Ginawa niyo!" Sigaw ko.

"Ann kumalma ka lang! Hawakan niyo sya!" Sigaw ni Bert.

Hinawakan siya ni Joon at Prince.

Agad na tinurukan Ako Ng pampatulog ni Bert Kaya nawala Ako Ng lakas pumiglas.

Hindi, Hindi na siya si Emma, Matagal nang Wala si Emma.











A/N: Salamat sa patuloy na pagbabasa ng The Forest😊

The Forest Where stories live. Discover now