The mysterious girl

1.9K 51 2
                                    

Ann POV

Habang nag aayos ang mga kasama ko ay na pag pasyahan ko munang mag libot libot..naka punta na ko dito dati at wala man lang ang nag bago sa bundok nato.

Napansin kong papalapit sakin si Justine kaya tiningnan ko siya nang may pagtataka.

"Mal ko...may problema ba tayo?pls lang sagutin mo na ko ngayon...na babaliw na ko kakaisip eh.." Sabi nya habang ginugulo ang buhok nya.

"At tinanong mo pa talaga sakin na may problema tayo..diba nga dapat mas alam mo yun.." Sabi ko at tinaasan sya nang kilay..

"Tungkol ba to Kay Venus? Mal naman...kaibigan mo yun! kaya di ko sya babae! syaka yung nakita mong niyakap nya ko dati sa office,,wala lang yun! I'm just comforting her..kasi sinaktan sya nang bf nya na best friend ko.." Paliwanag nya.

"Talaga lang ha..kaya pala hanggang ngayon dinadamayan mo pa sya..kaysa sakin..Justine naman,Ako yung Gf mo pero yung Venus na yon ang lagi mong nilalandi..ang sweet nyo pa ngang tingnan eh..tapos sa harap ko pa talaga eh no..ang kapal nang mukha mong mag kunyari eh huling huli ko kayong nag halikan at nagtatawagan nang I love you sa isat isa.Sa mismo office mo pa talaga.."puno nang galit na saad ko...Nanlaki ang mata nya at parang di makapaniwala sa sinabi ko.

"Ano wala kang masabi?kasi nalaman ko na ang sekreto mo sakin" sabi ko habang naluluha na sa labis na sakit na hatid nang panloluko nya,nila Venus.

Yumuko sya at umiyak saking harapan habang humihingi nang tawad.

"I'm so sorry..Sorry talaga "hikbing sabi nya..

"Simula ngayon Tapos na tayo...magsama kayong dalawang mangloloko"sabi ko at iniwan na sya mag-isa..

Rinig Kong tinatawag niya ko.

Tumakbo na ko sa Kung saan para di niya na ko sundan pa..May nakita akong ilog..Umupo ako sa may malapit at kumuha ako nang bato at hinagis ko sa ilog.

Habang umiiyak ako at naghahagis nang bato sa ilog may narinig akong yapak sa tabi-tabi lang..

"Diba nga sabi ko sayo na layuan mo na koh Justine..tama nang panloloko mo sakin ang sakit sakit na kasi..dun ka nalang sa Venus na yun at wag mo na Kong guluhin pa.." Sabi ko.

Walang nagsalita at di ko na naririnig yung yapak nang paa.
Tinawag ko sya ulit kong sya ba yung nasa mga halamanan.kaso walang sumagot sakin o nagpakita.

Lumapit ako at may nakita ako na babae na naka silip sakin sa halamanan.

"Sino ka?bakit mo ko sinisilip?kanina ka pa reto no?"tanong ko sa kanya.

Tumayo sya at nakipag titigan sakin.

"Sino ka ba?"tanong koh

"Ako si Veronica, Pasensya ka na kung natakot kita!Nakita kasi kitang umiiyak kaya akala ko kailangan mo nang tulong" sabi nya at ngumiti sakin.

"Di ko kailangan nang tulong,OK na ko salamat" sabi ko.

"Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa gubat na to?" Tanong ko.

"Kasama ko ang kuya ko,nagpunta lang ako dito sa ilog para tingnan ka!kala ko kasi kailangan mo nang tulong Hindi naman pala,Pasensiya na kung naistorbo kita" sabi nya at nag uumpisa nang mag lakad pababa nang gubat.

"Sandali lang!puwede mo ba Kong samahan dito para maalis lang ang sama nang loob ko" sabi ko

"Mas higit pa pala sa tulong ang kailangan mo" Tanong nya habang nag uumpisa nang tumabi sakin.

"Masama palang maging Sobrang bait no, Natutunan ko kasi ngayon,Ay wag kang masyadong magpakabait sa tao dahil aabusohin kalang nila at pagtataksilan sa huli" sabi ko.

"Sa mga sinabi mo parang naranasan mo nang maabuso at pagtaksilan?" Saad nya.

"Tama ka at pinagtaksilan ako nang mga mahalaga sa buhay ko pero ngayon kinasusuklaman ko sila pareho dahil sa ginawa nilang kataksilan sakin" sabi ko nang may puno ng galit.

"Kaya pala umiiyak ka ngayon!hayaan mo at darating ang karma sa dalawang nangloko sayo" sabi nya at napatingin ako sa kanya nang sinabi niya yun.

"Sana nga at sana mas higit pa sa karma ang maranasan nila..Gusto ko silang mamatay pareho, Gusto ko yung makita sa harap ko yun" sabi ko.

"Narinig nang ilog ang gusto mong manyari baka magkatotoo nalang iyon at baka magsisi ka sa huli."

"Wala AKong pagsisisihan Kong manyayari man yun sa kanila basta Ayaw ko lang silang sumaya habang ako at nagdurusa nang ganito" saad ko.

"Di kita pipigilan sa gusto mong manyari sa kanila Ann" sabi nito.

Nagulat ako nang marinig ang pangalan ko sa kanya eh di ko pa naman sinasabi sa kanya ang pangalan ko.

"Pano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko.

Ngumiti sya sakin at nakipagtitigan lang sya sakin nang matagal imbis na sagutin ang tanong ko sa kanya.

"Ah narinig ko lang..may tumawag kasi sayo kanina..grabe ang lakas nang Sigaw nya" sabi nya at lumingon sa may kakahuyan..

"Gusto mo bang sumama sakin dun ipapasyal lang kita" sabi nito.

Ngumiti ako at tumango sa kanya.Inilahad nya ang kamay nya sakin at nang kukunin ko na sana ito at may biglang tumawag sakin sa malapit.kaya napalingon ako.

"Ann nasan ka!Ann!." boses yun ni Emma.

"Emma!Nandito ako!" Sigaw ko.

Nakita ko si Emma at ngayon ay lumalapit sya sakin.

"Ano ba naman Ann! pinag-alala mo kami kala ko nawala ka na sa gubat na to!ang layo naman nang camp natin dito paano ka nakarating dito?mapanganib pa naman!at mag isa ka lang!pano Kong may mangyaring masama sayo?" Sabi nya..

"Hindi ako mag isa kasama ko si..?" Nang bumalik ang tingin ko sa kausap ko kaninang babae ay wala na ito doon.

"Lika na Ann, Bumalik na tayo dun nakakatakot na dito eh tumataas balahibo ko sa lugar nato." Saad nya

Di na ako nakasagot dahil hinatak na nya ako at nalilito padin ako dahil Bigla nalang Wala ako maalala Kung ano ang nanyari kanina.













A\N:keep reading may story guys!Thx pla sa support nyo..luv u all❤

The Forest Where stories live. Discover now