Bintang

709 26 20
                                    

Bert Pov

"Ayoko na dito, gusto ko na umuwi sana di na tayo tumuloy dito" iyak ni Eliza.

Hindi padin ito tumitigil. Gusto padin nito na umalis.

"Babe, makakaalis tayo Dito hihintayin lang natin mag-Umaga" Saad ko.

Kahit Ako gusto ko din umalis agad kaso baka Tama si prince. Paano kung Hindi ligtas sa labas o di Kaya nandon padin Yung lumulutang na babae at naghihintay lang na lumabas kami sa cabin nila Ann.

"Sa tingin mo aabot pa tayo Ng Umaga Dito patay na Sila Venus, Jack, Justine at Christian.. Please Bert umalis na tayo Dito" iyak pading Saad ni Eliza.

Niyakap ko lang sya Ng mahigpit ngunit umiiwas padin ito sakin siguro dahil ayoko syang sundin sa plano niyang umalis.

Napahinto Ako bigla dahil may Isang kaming kaibigan na Wala don at Hindi Namin Nakita.

Si Abbey. Wala Doon si Abbey.

"Nasaan si Abbey? Bakit Hindi natin sya Nakita don?" Nagtatakang Tanong ko.

Tiningnan ko Ang huling mga nakasama ni Abbey at Venus nun.

Sila Prince, Jhon at Joon Yung mga nagbantay sa kanila sa baba noong bumalik kami sa camp.

Nakita kung napayuko Sila at Hindi makakibo sa Tanong ko.

Binasag Naman Kaagad ni Jhon Ang katahimikan.

"Wala na si Abbey, Nang dumating Yung mga naka Itim na Yun Samin napahiwalay kami kanila Venus at Abbey, Narinig nalang Namin don sa mga naka Itim na nahulog daw si Abbey sa bangin" Saad ni Jhon.

Nang marinig Namin iyon ay tumahimik saglit.

"Hindi ko nato matitiis pa aalis na ko. Kung gusto niyo magtagal dito bahala kayo" Saad ni Eliza at pilit na gustong lumabas Ng Bahay.

"Babe, Naman delikado nga sa labas ilang ulit ko bang sasabihin Yun sayo" Saad ko at hinarangan ko Yung daraanan Niya.

"Umalis Ka sa harapan ko Bert, kung gusto mong manatili Dito bahala Ka Basta tandaan mo makikipag-break Ako sayo kung di Ka sasama sakin" Saad nito.

Natigilan Ako saglit at Hindi makapaniwala na hihiwalayan Niya ko dahil lang sa ganitong sitwasyon Namin Ngayon.

"Sige, sasama na ako sayo" tanging Saad ko.

"Oh Diba, Di mo rin Ako matitiis hayaan mo Sila sa Buhay nila Basta tayo makakaalis na Dito." Saad ni Eliza.

"Pare, Lalabas talaga kayo?" Saad ni Prince.

"Oo, Hindi ko Kayang may mangyari sa girlfriend ko sa labas at kung may mangyaring masama Samin don na haharapin ko na Yun Basta para Kay Eliza" Saad ko.

"Bert kailangan Ka Namin Dito, Paano na Si Ann? Di pa siya magaling" Saad ni Joon.

"Okay na siya Basta wag Muna siyang tumayo agad paggising Niya, Kung makalayo man kami Dito ni Eliza at makahanap Ng Tulong babalik kami para tulungan kayo" Saad ko.

"Babe! Tara na bilisan na natin" tawag sakin ni Eliza at nasa tapat na ito ng pinto.

Nasa labas na kami ni Eliza ngunit nasa tapat padin kami Ng pinto.

Sobrang dilim talaga Ng palagid at Hindi talaga maganda na umalis Ngayon.

Pero di Ako nagpatinag sa takot dahil para Kay Eliza haharapin ko.

Biglang may naramdaman Akong may pumatak sa Mukha ko pagtingala ko.

Uulan ba?

Bigla may bumagsak sa harapan Namin ni Eliza.

The Forest Where stories live. Discover now