The Truth

763 27 10
                                    

Emma Pov

Nagising Ako Ng makaramdam Ng malamig sa katawan ko.

Bigla Ako kinabahan Ng maamoy kung ano yung binuhos sakin.

Gasolina iyon.

Hindi Ako makasigaw dahil nakatakip Ang bibig ko Ng makapal na tela at nakatali ito sa likod ng Ulo ko.

"Alisin niyo Yung mga piring nila sa mata! Gusto ko Makita nila kung Anong kalagayan nila Ngayon." Sigaw Ng kung sino.

Nang matagal Yung piring sa mata ko ay Nakita ko Ang madilim na palagid at mga nakapalibot saming mga naka Belong Itim at nakahawak Ang bawat Isa ng lampara iyon lang Ang tanging nagpapaliwanag sa madilim na palagid, tumingin Ako sa kabilang bahagi at halos di ko makayanan ang nangyayari Ngayon.

Nakatali Ang mga kaibigan ko sa bawat Isa sa mga Puno at binubuhusan din Sila Ng Gasolina.

"Mabuti Naman gising na kayo, Malapit na mag umpisa Ang ritual kapag naging pula Ang buwan sisimulan na Namin Ang pag-aalay" Saad Ng kung sino ngunit boses matandang babae iyon.

Gusto Namin lahat na sumigaw ngunit may takip Ang aming mga bibig.

"Nakikita ko na madami kayong mga katanungan at nangako din kami na sasabihin Namin kung bakit Namin ito ginagawa sa Inyo" Saad padin Ng matanda.

"Ang katotohanan kung bakit Namin ito ginagawa dahil upang makapaghiganti sa mga taong gumawa ng malaking kasalanan sa mga Gonzalez"

Biglang sumasakit Ang ulo at may nararamdaman akong kakaiba.

"Ang mga Gonzalez ang tumulong Samin ngunit Hindi Namin Sila natulungan Ng Pinatay Sila Ng mga sakim na mga tao na yon, At Ang mga sakim na tao na iyon ay Ang mga magulang niyong lahat"

"Pinatay Ng mga magulang niyo si Don Bernardino Gonzalez at Donya Celina Gonzalez at Ang kambal na Anak nilang si Emelia at Eliana, Nasunog Ang mansion nila at natagpuan Naman Ang bangkay ni Emelia sa malalim na ilog at Ang bangkay ni Eliana sa Bangin at Hindi Sila matatahimik hanggat Hindi nauubos Ang mga taong may sala sa kanila."

Parang may Tumarak sa Puso ko Ng marinig iyon.

Hindi Ako makapaniwala na makakagawa Ang mga magulang namin Ng isang krimen.

"Hinintay Naming bumalik Ang mga magulang niyo sa Lugar na ito, Naghintay kami ng matagal na panahon Hindi Namin Sila pwedeng puntahan dahil kung Saan naganap ang Isang makasalanang Pangyayari dapat Doon padin iyon maganap, Kaya nandito tayo Ngayon kung saan nasunog Ang mansion nila at kung saan natupok Ang mag asawang Gonzalez"

"Kung sino Mang kadugo o kamag anak Ng mga taong sakim na iyon ay kailangan na magbayad at Hindi talaga Naming inaasahan na kayo Ang mga anak nila Ang babalik sa Lugar na ito"

"Ngayon alam niyo na kung bakit Namin ito ginagawa sa Inyo, ito upang mabigyan Ng katarungan Ang pamilya na Pinatay Ng Inyong mga sakim na magulang"

"Malapit na mag pula Ang buwan, Simulan niyo na Ang ritual"

Nakita Namin na may Dala Silang timba at nagulat Ako na dugo ang laman nyon at gumuguhit Sila sa lupa parang Isang simbolo iyon gumuhit Sila Ng bilog, triangle at may simbolo Ng mata sa loob Ng triangle.

"Ang Ginamit sa pagsulat Ng simbolo na Yan ay Ang mga dugo Ng kaibigan niyo Sila Justine at Christian." Saad pa Ng matanda.

Lahat kami ay kinakabahan na sa nangyayari at tinitingnan Ang bawat Isa, Nakita ko na takot na takot Sila at ganoon din Naman Ako, Tiningnan ko si Ann at nakayuko ito at madaming dugo Ang umaagos sa balikat nito.

Gusto ko Silang iligtas ngunit madami Sila, iyong mga nakaitim, Imposibleng mabuhay pa kami sa kalagayan Namin Ngayon.

Ang mga tao na to ay Isang grupo Ng mga kulto na sumasamba sa demonyo.

The Forest Where stories live. Discover now