Bundok Marikit

2.2K 55 2
                                    

Emma POV

Kasalukuyan kaming nag lalakad sa masukal na gubat ngayon papuntang itaas nang bundok Marikit...

"Di naman siguro ito yung delikadong gubat Diba?Yung tinutukoy ni Manang lily?" Tanong ni Venus..

"Actually karoktong ito Nun.. ito na Kasi pinaka-madaling daan para marating yung Bundok Marikit At wag kang mag alala at Isa pa, kasama naman natin si Mang Tony"paliwanag ni Ann

BTW si Mang Tony ang tour guide namin paakyat nang bundok..Mga dalawang araw lang kami sa taas nang bundok..sakto daw na may mga Meteor kaming makikita kapag gabi nah..Sabi pla yun ni Mang Tony samin dahil matagal na syang tour guide sa lugar na ito..

"Ano yung Pinag-uusapan nyo sa gubat na to?"Tanong ni Jack.

"Oo nga!!share nyo naman saming mga Boys!" Sabat ni Justine

"Mamaya nalang pag nandun na tayong lahat sa taas ng bundok.." Sabi ni Ann

"OK sabi mo eh" sabi ni Justine..

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at medyo lubak lubak ang nadadaanan namin kaya tudo gabay samin ang mga boys saming mga girls..

"Mang Tony mag kwento ka naman tungkol sa Gubat at sa bundok na pupuntahan naming" sabi ni Joon

"Ah sige po..Itong gubat na dinadaanan natin ngayon ay sadyang mahiwaga at maraming mga kwento ito na nakakamangha at nakakatakot.." Kwento ni mang tony..ngunit biglang nagsalita si Venus..

"So may mga Scary thing na nangyayari sa gubat na ito?My God!! wag na kaya tayo tumuloy!" Sabi ni Venus..

"Diba sabi ko naman sayo na wag ka nang sumama eh.." Sabi ni jhon.

"Bumalik ka nalang dun sa bahay..bahala ka dun at makikita mo yung itim na babae, Siya yung makakasama mo dun" pananakot ni Christian at nagtawanan ang iba mga kasama namin..

"Nakakatawa!?.Christian...total malayo na tayo, I have no choice na!! kaya sasama na ko" sabi ni Venus..

"Yun namn pala eh...dami mo pang Arte" sabat ni Justine..

"Wag nyo nga pag-kaisahan si Venus...ang ba-bad nyo talaga.."sabi ni Abbey sa kanila.

"Wow! for the first time pinagtanggol mo ko!, May tinatagong bait ka din pala" Sabi ni Venus.

"Ano ka ba! Ngayon lang to Sis"Sabi ni Abbey at tumawa sa huli.

Napairap nalang si Venus at Nagpatuloy maglakad.

"Sige po Manong tuloy nyo na po yung story nyo about sa lugar na to!"sabi koh..

"Sige po...May mga pumunta narin dito sa lugar na ito..Mag kakabarkada din silang lahat katulad nyo..at pareho pa nang mga ugali nang iba sa inyo...lahat sila umakyat din sa bundok na yun at ang Papa ko ang nag tour guide sa kanila paakyat nang bundok..sabi nang papa ko Ayaw nya daw na pumayag sa pag sama sa itaas dahil delikado daw ang lugar na yon...pero mapilit sila kaya walang nagawa si papa kundi ang sumama sa kanila kaya sumama si papa dun.. dahil ayaw nyang may mawala na naman sa lugar na yon ..dun kasi nawala ang kapatid Kong babae.." Napahinto si Mang Tony sa pag kukwento Nang mabanggit nya ang kayang nawawalang kapatid..

"Pano nawala sa gubat nato ang kapatid nyo Mang Tony?" Tanong ko.

"Sabi daw nang Papa ko may kumuha sa kanyang babae..Hindi oldinaryong babae na yun..Ang tawag namin sa babae na yun ay BlackLady...Nililigaw nya ang mga nais pumunta sa lugar Na ito..Pero wag kayong Mag alala dahil abisado ko ang lugar nato papuntang bundok at wag kayong maghihiwalay- hiwalay..dahil kapag may isa sa inyong mawala.. Di na siya makikita pa muli.."Pahayag ni Mang Tony samin.

Bigla Kong naalala yung itim na babae na nakita ko sa bahay..Siya bayong tinutukoy ni Mang tony?

"BlackLady ba yung sabi nyo Mang Tony? "Tanong ni Ann.

"Oo ijah. BlackLady ang bansag namin sa kumukuha nang tao dito sa gubat "sabi ni Mang Tony.

"baka Iyon din yung nakita mo sa bahay Emma..baka gusto ka nyang Kunin.."sabi ni Ann nang naka ngisi sakin..

"Ano ba Ann..Wag Ka ngang mag Biro nang ganyan sa kanya" Sabi ni Jack.

"Joke lang naman..Sorry Kong inulit ko na naman..Sorry Em" sabi nya at nauna nang naglakad..

"Parang may saltik sa Utak yan si Ann No?Imbis na..Matatawa ka sa Biro nya..Matatakot Ka lang yata eh" sabi ni Joy..

"Siguro may pinag dadaanan lang siya..kaya ganyan!" Sabi ni Eliza.

"Justine..Anong meron sa Girlfriend mo??Bakit parang Nag iba yung ugali Non?Diba seryoso naman yun dati" Tanong ni Prince.

"Hindi ko rin alam?Tanungin nyo nalang siya" Walang ganang sabi ni Justine.

"Bro..May problema ba kayong dalawa?di ko kasi kayong nakikitang masaya sa isat isa eh" tanong ulit ni Prince.

"Wala nga sabi eh!di ko rin alam Kong ano bang nanyayari sa kanya at sa relasyon namin..Pilit ko na siyang tinatanong kaso puro nalang siya iwas nang Iwas sakin." Malakas na pagkasabi ni Justine.

"Easy ka lang bro..Ako lang toh.baka masapak mo pa ko eh!Di na nga ako mangungulit"sabi ni Prince at lumayo Kay Justine.

"Sorry bro Nadala lang ako nang galit ko"sabi ni Justine at tumango naman si Prince..

Tahimik kaming nalalakad..walang umiimik saming lahat.Siguro natahimik sila dahil For the first time lang nagalit ni Justine Kay Prince..

Parang napapansin ko tuloy na nag babago na ang mga ugali nila nang dumating kami dito sa Bataan..Napatigil ang pag iisip ko nang bigla nagsalita si Mang Tony.

"Nandito na po tayo" sabi ni mang Tony samin.

Tumingin ako sa paligid at subrang nakakatakot dahil kapag lumapit kah bangin nah ang masasalubong mo..kaya buti nlang at may tali nah pang harang..Pero kapag takot ang pina iral mo Hindi mo makikita ang kagandahan nang lugar na makikita mo sa kahit saan..Subrang linis nang hangin at tahimik ang paligid..Ang payapa nang lugar na ito...

Binaba ko na ang bag na dalawa ko at nag Simula nang mag ayos nang mga gamit habang ang iba ay abala sa Tinatayong tent..

Napahinto ako sa pag aayos nang lumapit sakin si Mang Tony..

"Kayo pala..Mang tony?" Sabi ko.

"IJAh Mag papaalam na ko kailangan ko na kasing Umalis pero Babalik ako dito para sunduin kayo makalipas nang tatlong araw!" Sabi niya at tumango naman ako..

"Sige po Mang Tony OK na po kami dito.."sabi ko..at kumuha ako nang pera sa wallet ko para bayaran sya.

"Wag niyo na Akong bayaran Ijah Nabayaran na po ako nung lalaki!"sabi nya.

"Sino lalaki Mang Tony?" Tanong ko.

"Jack po yata yung pangalan nya." Sabi nya.

"Ah Sige po Manong" sabi ko.

"Sige na po Paalam na po." Pagpapaalam nya .

"Sige po..Ingat po kayo palagi mang Tony" sabi ko..

"Kayo rin po" sabi nya at kinuha nya ang mga gamit nya at Umalis nah.











A\N:Keep reading my stories guys, Thanks for all the support☺️

The Forest Where stories live. Discover now