Eliana & Emelia

358 12 5
                                    

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Eliza.

"Sa likod ng Cabin nato, kailangan natin lumabas" Saad ni Emma.

"Balak mo ba kaming patayin lahat" Saad ni Bert.

"Bert,di ka pa ba titigil?" Sabat ni Joon.

"Di Ako titigil, hangga't hindi siya umaamin" saad ni Bert.

"Wala akong aaminin, Kasi Wala naman talaga akong ginawang masama, nasa sayo nalang kung maniniwala ka o kayo" saad ni Emma at may binuksan na pinto.

Pinto iyon palabas sa likuran ng Cabin.

"Sa tingin mo nasa labas si Ann, Pinagloloko mo ba kami?" Saad ni Bert.

Sasabat sana si emma ng magsalita si Prince.

"Nandoon Yung balabal ni Ann sa labas malapit don sa puno" turo ni Prince.

Naunang lumabas si Emma at inilawan ang balabal na nakasabit sa puno.

Sumunod naman sa kanya Ang iba.

"May kumuha sa kanya" tanging saad ni Emma.

"Yung blacklady ba? Baka Yung blacklady nga talaga Yung pumatay Kay Joy" Sabat ni Jhon.

Nagulat Sila ng biglang padabog na pumasok ulit si Min sa Bahay at sinundan naman ito ni Jhon.

Mga ilang saglit ay may hawak na si Min na Isang Shotgun paglabas nito.

"Pre, Bakit ka may ganyan? Saan mo yan nakuha?" Kinakabahan saad ni Prince.

"Nakita ko to sa basement nila Ann, Papatayin ko yung halimaw nayon kahit anong mangyari, pagbabayarin ko siya sa ginawa niya kay Joy" Saad ni Min.

"Sa tingin mo mapapatay mo Yun? gamit Ang shotgun na Yan, puwes sinasabihan na kita, Hindi tatalab Yan" Saad ni Emma.

"Bakit hindi natin I-try sayo, Ikaw Ang huling Kasama ni Joy bakit mo siya iniwan mag-isa sa taas kung alam mong mapanganib" Saad ni Min at Tinutok Kay Emma Yung Shotgun.

"Ibaba mo Yan Min, Hindi kasalanan ni Emma Ang nangyari alam mo Yan" kalmang Saad ni Joon Kay Min.

"Pre, ibaba mo na Yan" Saad ni Jhon.

"Ibaba mo na yan, min" usal din ni bert.

"Hindi, Sige lang, iputok mo, alam ko namang Duwag ka, Kaya di mo yan kakalabitin" Asar ni Emma Kay Min.

Dahil sa Inis ay napaputok ni Min Yung shotgun na kinasigaw ng lahat ngunit sa gilid iyon pinatama.

"Sa susunod na bala, di nako sasablay" Saad ni Min at tinalikuran siya at naunang naglakad papunta sa madilim na gubat.

Galit na Galit na tumingin si Emma Kay Min.

"Nababaliw na siya, bakit pinabayaan mong makuha niya yung shotgun Jhon, Alam mo Naman Wala sa Tamang pagiisip si Min dahil sa nangyari Kay Joy" Sigaw ni Joon.

"Alam ko bang iyon ang Kukunin Niya, Nagulat lang din Ako na iyon na Ang Dala Niya" Saad ni Jhon.

Sasabat pa sana si Joon ng Sumigaw si Min.

Kaagad Silang pumasok lahat sa masukal na gubat at hinanap si Min.

"Min nasan Ka!" Sigaw ni Bert.

"Nandito Si Ann!" Sigaw ni Min at nanggagaling iyon sa gitna ng Gubat.

Patakbo Silang sumunod kung saan nila narinig na sumigaw si Min.

"Bakit tayo napunta dito sa Ilog?" Natatakot na saad ni Eliza.

"Nandito nga siya" seryosong saad ni Emma.

Naglakad si Emma sa Isang makipot na daan na napapaligiran ng Makakapal na Halaman.

The Forest Where stories live. Discover now