Itim na babae

2.8K 51 7
                                    

Emma POV

2:59 am nagising ako dahil may humihila nang kumot ko.Nilalamig pa naman ako Kaya sa inis ko ay bumangon ako at kinusot kusot ko pa ang mata para makita ko, kung sino humahatak ng kumot ko.

"Ano ba Joy...wag mong hatakin kumot ko.." Sabi ko habang Hindi pa dumidilat.

Nang hindi nagsalita si joy ay dumilat na ko...Nakita ko si Joy na maayos na natutulog at nakatagilid sakin..tiningnan ko yung kumot at Nagulat ako sa nakita ko..Sa may sulok ng kwarto,May na katayo.. at na-aaninag ko..Ang figura ng isang babae, anino siya na nasa madilim na gilid ng kwarto.. Nasa papag na pala ang kumot ko..at malapit pa dun sa babae..di ko alam Kong Anong gagawin ko..Nanigas na yata ako sa takot at di na yata ako kumukurap,Di ko alam Kong kukunin ko ba yung kumot? O babalik sa pagtulog? O Sisigaw nang malakas para magising lahat nang kasama ko sa kwarto.

Nagulat ako nang lumalapit na siya sakin at mabilis na pumikit ako at niyuyog si Joy para magising.

"Ano ba?aLam nang natutulog yung tao eh!"

"Joy may mu--multo...sa harap ko.!" Nauutal na sabi ko habang napikit..parin

Bumangon na siya at binuksan ang lampshade sa tabi nya...

"Saan yung multo?Joke time ba to?Huy! Em..mag patulog ka naman...3 am plang ohh!" Mahinang bulyaw nya.

Dumilat na ako at wala na yung multo sa harap ko..tiningnan ko rin yung gilid ng kwarto kung saan ito nakatayo kanina...pero wala na iyon dun..

"May multo talaga akong nakita kanina eh..dun pa nga sya nakatayo dun sa may gilid eh.." Sabi ko at tinuro pa Yung gilid Kung saan iyon nakatayo kanina.

"Saan? eh.. wala naman akong makita na nakatayo dun eh?Yung kumot mo bakit nandon yun? " Sabi nya.at kinuha niya yung kumot ko at binigay sakin.

"Hinila ito nung multo..ALam ko nanjan lang sya eh.."

"Illusion lang yan.. Matulog ka na!istorbo ka eh..." Sabi nito at bumalik na siya sa pagtulog.

"Wag mo nalang I-off yung ilaw!" Sabi ko..

"OK,para naman matahimik ka na!" Sabi nya at tumagilid na ulit nang tulog.

Natulog na rin ako at inisip ko nalang na Baka illusion lang yun...

____________________________________

"Gising na mahal,mag breakfast na tayo sa baba.kanina pa nila tayo hinihintay dun" paggising sakin ni Jack.

"Ahh..OKay susunod nalang ako..ikaw na muna bumaba dun..Susunod nalang ako pagkatapos Kong mag toothbrush" Sabi ko

"Ok..basta bilisan mo lang.." Sabi nya at umalis na.

Pumunta ako nang banyo para mag-hilamos..tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at may bigla ako nakita nakatayo sa likod ko na itim na Babae...lumingon ako pero wala naman..at nang tingnan ko ulit yung salamin ay wala na Kong nakitang itim na Babae doon.Siguro Imagination ko lang Kaya nagpatuloy na Ako.

Mabilis akong nag toothbrush at nagpalit nang damit...bumaba na ko at nakita ko silang masayang nagtatawanan habang kumakain ng almusal..Nilipitan ko si Jack..

"Oh!buti bumaba ka na..Ito yung breakfast mo..Ako nag prepared nyan para sayo mahal."malambing na sabi nya.

"Salamat." Sabi ko at binigyan siya nang morning kiss.Sa Pisngi lang naman.

"Ano bayan ki-aga-aga nilalanggam na ko dito sa inyong dalawa eh yie!" Asar ni Abbey samin.

"Asus...wala ka lang boyfriend eh..Inggit ka lang kamo.." Insulto ni Christian.

"Huy Baboy! Nasabat ka!.Baka gusto mo bigyan kita nang Morning KiCK Jan!"Galit na turan ni Abbey.

"Sige nga bigyan mo kung Kaya mo!"

Lumayo naman si Christian Kay abbey at usual naghabulan nga yung dalawa.

"kahit kailan Aso't Pusa tong dalawang to eh...Alam niyo bang ganyan nagkatuluyan Ang Lola at Lolo ko."Asar naman ni Jhon sa dalawa kaya napahinto yung dalawa sa paghahabulan..

"Uy! kahit kailan di ako magkakagusto sa Payatot na to no...!" Insulto nya Kay abbey ng payatot.

"Aba as if naman mag kagusto ako sa Baboy na katulad mo duh!"balik na asar ni abbey.

Nagtatawanan lang kami Nang biglang dumating sila Joy,Venus at Eliza..

"Oh Saan kayong galing Tatlo?"tanong ni Bert..

"Ah Jan lang sa labas nag libot-libot lang Yum ko." Sabi ni Eliza at yumakap Kay Bert..

"Anong gagawin natin ngayon?dito lang ba tayo sa bahay buong araw?" Maarteng sabi ni Venus..

"Ayy nakalimutan ko palang sabihin sa inyo..mag ha-Hiking tayo mga 10 am siguro kaya mag handa na kayo nang gamit.." Sabi ni Ann..

"Wow maganda yun!" Pag sang ayon ni Jhon..

Lahat kami ay sang ayon sa hiking..di ko lang alam kay Venus..

"OK maghahanda na ko nang gamit koh!" Sabi ni Prince..

"Sana naman walang mangyaring masama sakin dun"Maarteng saad ni Venus..

"Di wag ka nalang sumama,Ang Arte mo naman.."sabi ni joon kay Venus..

Tumaray lang si Venus at di na nag salita..buti pa si Venus medyo kayang kuntrolin yung galit nya kaysa Kay abbey pikonin kaagad...Na pa baling ako Kay Ann nang magsalita sya..

"Uyy Emma totoo bang may nakita kang multo sa kwarto nating lahat?" Nagulat ako sa tanong ni Ann sakin..kahit kailan madaldal talaga tong si Joy eh..

"Ah yun ba illusion ko lang siguro yun eh..Wala yun.." Sabi ko.

"Siguro nga illusion yun pero baka Hindi rin!baka yung nakita mo ay totoo..sinabi kasi sakin ni joy na may nakita kang multong babae..baka iyon yung babae na nagpapakita kapag alas Tres nang gabi" sabi ni Ann.

"Totoo bang may multo dito sa bahay nyo Ann?" Takot na sabi ni Venus.

"Syempre....wala no Joke lang yun..walang multo dito..tingnan nyo lahat kayo! napaka seryoso nyo naman makatingin"sabi nya na natawa pah.

"Di magandang Biro yun Ann..Malay ba natin na Totoo yung nakita ko...at isa pah wala kaming alam sa bahay niyo kung ano bang meron dito na kababalaghan.."sabi ko.

"Wag ka ngang KJ Jan Emma..ako na ang nag sabi...WALANG MULTO DITO, Hay Nako.. Ang hirap nyo naman patawanin ang seryoso nyo naman masyado"sabi nito.

Hindi na Ako nagsalita pa at Nagpatuloy nalang akong kumain nang almusal dahil ako nalang pala ang di pa tapos kumain sa kanilang lahat.

"Alam nyo mag ayos nalang tayo nang gamit natin para sa hiking mamaya"sabat ni Prince.

"Mabuti pa nga.." Sabi ko.

Tinapos ko na ang pagkain at
Nag ayos na kami nang gamit naming lahat.para sa Hiking mamaya.

The Forest Where stories live. Discover now