side story

63 2 0
                                    

Shin's POV

"iniiwasan mo ako kasi alam kong naapektuhan ka sa nangyari,Shin naman!!" bulyaw sa akin ni Josh

pinilit kong tumakbo pero hindi ako makawala kasi ang higpit ng yakap sa akin ni Josh

"sinabi ng busy lang ako ehh!! ano bah!!" pilit ko paring makawala pero hindi parin tumatalab

explain ko nalang ang nangyari para maintindihan niyo

*flashback*

1 week nalang gagraduate na ako ng highschool

sasama na din ako kay Mama sa ibang bansa (chikret lang yan hah)

actually wala pa akong nasasabihan kahit kanino

nandito ako ngayon sa library kasama si Josh

silang KC kasi ehh!! iniwan ako kasama pa sa engot na to!

hindi pa ako pwedeng makaalis kasi may nireresearch pa ako.. ewan ko ba sa lalaking to ba't ayaw pang umalis..

ba't dun nalang sya sa chicks nya!

pinagmasdan ko si Josh.. nakakunot ang noo niya habang binabasa ang isang libro about history?

haha! ang sayang panuorin..

ang gwapo niya pala,, ba't di ko napansin agad?

tahimik lang siya habang binabasa ang libro

ang cute niya kapag masyadong focus..>_<

haay!! mamimiss ko ang mga kalokohan ng engot na toh!

edi silang Kc na! ang may lablayp!! 

parang ang unfair naman, wala akong love eklabush~

bigyan ko kaya ng remembrance ang sarili ko..

TING!

halikan ko kaya si Josh nang hindi niya namamalayan? ewww! yakss.. erase erase!

>_<

sa cheeks lang naman ehh!!

pero kung gagawin ko yun, magmumukha na akong manyak..

pero once in  a lifetime din to.. at isa pa hindi ko to makakalimutan kahit kailan..

hmpphh.. chige na nga!

1

2

3

"Shin anong- *tsup*" naputol ang sinabi niya kasi may nangyaring very disturbing..

as in VERY DISTURBING!!!

aaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!

nahalikan ko siya sa labi..

aaaaaaaaahhhhhhh!!!!  

huhuhuh..

nagulat din siya pero natauhan at ngumiti..

"pinagnanasaan mo ba ako? sabi ko na nga ba!"- josh

ewwww... asa!!

biglang uminit ang mukha ko..

"namumula ka Hashinee oh!"

"WAG MO AKONG TAWAGIN NYAN!"

oo my name is Hashinee.. yakks nga dibah?

totoo bah? namumula talaga ako?

hindi ko nakayanan ang hiya kaya umalis ako at tumakbo

sumunod si Josh.. tumatakbo din

"Shin! sorry nah!" sabi niya

hindi ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo

after 5 min. tumigil ako

hindi ako athletic eh!

umupo ako sa bench tumabi sa akin sa si Josh

nakakahiya talaga!! sinabi kong wag nalang gawin eh..

tumingin ako sa kanya

"sorry!" sabay kaming nagsalita

"ba't ka nagsosorry?!" sabi ko

"ba't ang init ng ulo mo!" sabi niya

ngumiti siya.. >_< alam ko ang ngiti na yan!!

"wag mong sabihing first kiss mo yun?wag kang mag.aalala, papanagutan kita"

natigilan ako.. first kiss ko nga bah?

naku~ 

tama siya! first kiss ko yun..

ehh ano ngayun kung first kiss ko? hindi ko sasabihin ang totoo.. may pride pa rin ako!!

TING!

"Mr. Josh Dela Costa, wag kang masyadong assuming.. hindi yun ang first kiss ko, ang first kiss ko, napaka intimate.. may kasama pang dila.. gusto mo idemonstrate ko sayo?"

hindi naman siguro masamang isali ang pet dog  ko na si Tammy sa usapan diba?

tumayo ako at naglakad paalis

naiwan sya dun tulala..

nyahaha! kala niya~

hindi ako magpapabola sa playboy na yun!

muntik na ako.. buti nalang..

*end of flashback*

ba't ba kasi ang hirap iwasan nito!

pati ako nadadamay! ehh kasi kapag nakikita ko siya naaalala ko ang nangyari..

palagi akong naguguluhan

"josh, bitiwan mo ako! masakit na"

"kung totoo ang sinasabi mo na busy ka lang talaga, wag mo naman akong tratuhin na parang hindi mo ako kilala" sabi niya sa seryosong tono

nagmamakaawa ang mukha niya..

binitawan niya ang kamay ko..

"Shin, i like you at iniiwasan mo ako kasi alam kong pareho lang tayo, natatakot kang aminin na gusto mo rin ako"-Josh

hindi ako makasagot.. siguro nga tama siya.. pero hindi pwede..aalis ako.. at wala ring patutunguhan to..

kasalanan ko to eh..

"Josh, siguro nga tama ka.." yun nalang ang nasabi ko

"tama nga ako.. ano pa ang hinihintay natin? gusto mo ako at gusto rin kita"

"hindi ganun kadali yun! please wag mo na akong pahirapan" ako na naman ngayon ang nagmamakaawa

hindi ko siya kayang paasahin

masyado na akong pabaya.. hinayaan ko nalang na umabot sa ganito

nagtangka akong umalis para makaiwas sa usapan

pero niyakap niya ako..

sa likod sumandal ang ulo niya sa balikat ko

nahulog ang cap na sinuot ko pero hindi ko pinansin..

hinayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya

naramdaman ko nalang na bumasa ng konte ang toga ko

"kung makasalita ka, parang aalis ka" sabi niya sa mahinang tono

umiiyak siya.. nasasaktan ako para sa kanya

pero tama siya, aalis ako

sinabayan ko din siya sa pag.iyak pero pinunasan ko din

humarap ako sa kanya..

kaya ko 'to

"im sorry josh" nagsimula na din akong maglakad palayo

Yun na ang huling usapan namin bago ako umalis

:(((

T.O.R.P.E (maghihintay ako)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon