Chapter 5

96 5 1
                                    

---

"Diana! Iha. Mabuti na lang nakauwi ka. Nagkita na ba kayo ng Daddy mo?" salubong sa aking ni Tita Wena.

Umiling ako at nakipagbeso sa kanya. Iniakyat ko na din ang mga gamit ko.

Yep. Tumupad ako sa usapan namin ni Franki na umuwi ako sa Cabanatuan with her. Hinatid ko muna siya sa kanila na isang bayan lang naman ang layo mula sa amin. Mamaya daw siya uuwi ditto at makikiovernight. Birthday ni Daddy kaya pinilit din niya akong umuwi.

The people are starting to get busy for the party later. Hindi ko pa rin nakikita si Daddy. Well, not in my plan to see him more often.

I texted Franki if what time will she be here. Ugh. Ang tagal magreply, baka natutulog.

I was busy with my phone when dad came.

"Mabuti naman at naalala mo pang umuwi." The power in his voice sent shivers all over my body. Tinago ko na ang phone ko sa bulsa ko at humarap sa kanya.

"Happy Birthday." I lamely said.

Ngumiti ito at niyakap ako na siyang ikinagulat ko naman.

"It's been two years since we last celebrated my birthday together. Kasama ng mga kapatid mo." Sabi nito at kumalas sa pagkakayakap. Wala naman akong reaksyon sa sinabi niya. Ewan, ang sama sama ko bang anak. Masama bang magalit ako dahil wala siya noong namatay si mama? Kung paano siya nagging walang kwenta noong nangangailangan kami ng tulong. I know, we weren't the legitimate family but the truth still hurts. And that what makes me mad.

"I'm sorry dad." Malungkot kong sabi.

Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko. "Lumabas ka na, tiyak matutuwa si ate May at Kuya Jules mo pag nakita ka."

Tumunghay ako para Makita ng maayos si Daddy. Matanda na siya, sila ni Tita Wena and I think I don't have to be this hard of them. It's maybe their fault or my mother's pero time heals. We should treasure every moment together habang nandito pa sila, o kami sa mundong ito.

That afternoon the party started and lots of Dad's and Tita Wena's friends were there. Namiss ko 'tong ganitong senaryo sa probinsya kapag may okasyon. Maraming alak at pulutan para sa mga manginginom. Sama mo na din yung videoke.

I was busy taking pictures of them when Kuya Bryan called me.

"Kumusta ang napakaganda kong kapatid?" inakbayan niya ko at ginulo ang buhok ko. "Ano naman ang pinaggagawa mo sa buhay mo? Sabi ni dad nag resign ka daw?"

"Chismoso mo kuya."

Tumawa ito ng malakas at lalo pang ginulo ang buhok ko. "Basta if you ever need assistance, your handsome kuya is here." Sabi niya at umayos naman ng tayo at ginaya si superman. Napahawak naman ako sa noo ko. 26 na yan si Kuya Bryan pero napakenkoy pa din. Walang girlfriend pero sobrang playboy susko mana ata sa daddy ko.

"Hoy ano naman yang pinag uusapan ninyu dyan?" Si ate Mae, she's the eldest. Dalawa lang silang anak ni Daddy kay Tita Wena.

"Itong si Diana nagresign feeling anak mayaman." Biro ni kuya. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Quarter life crisis ate." Simangot ko naman.

Tinawanan lang ako nung dalawa. Inakbayan naman ako ni ate. "Nandito lang kami kapatid. Kahit hindi ka umiwi ng dalawang taon mahal na mahal ka pa rin naming tandaan mo yan." At pinitik niya yung nook o.

Hindi ko alam pero kusang pumatak yung mga luha ko. Grabe naman si ate!

Tumawa ulit ng malakas si Kuya Bryan. "Group hug na yan." And we did.

I Heart You (FRANKIANA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon