Chapter 8

303 8 15
                                    

Maryjean P.O.V

Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock kaya agad akong bumangon at pumunta ng banyo para sana maligo na.kaso naalala ko na sabado pala,walang pasok Kaya naisipan ko na matulog ulit.Papikit na Ako ng biglang Kumatok si mama ng malakas Kaya agad akong napabangon ulit at pumuntang pintuan at binuksan Ito.

"Ma,sabado po ngayon Wala po akong pasok.

"May naghahanap sayo Sa baba boss mo ata."

"Hah? Nagtatakang tanong ko.

"Bumaba kana at kanina pa  naghihintay sayo yun."

"O-opo susunod ako."

"Dalian mo!"

Nagbihis Ako at nag toothbrush dahil mabaho pa ang aking hininga,Kaya agad akong pumuntang banyo at nag toothbrush at pag katapos ay agad na akong bumaba.At tama nga Ako si Elton ang kanina pa naghihintay.Hayy!Ano nanaman Kaya problema nitong lalaking Ito.

"Bat Ka nandito?"

"Buti naman nagising kapa?"

"Hahaha!Nakakata yun!?" Inis Kong sabi sakanya.

"Ahm okay Lang nakakatawa na rin."nakangising sabi niya.

BWISET! "Ano ba kasi ginagawa mo dito?"

"Gusto ko Sana na samahan mo ako sa Bulacan  para sa meeting ko kay Mrs.Valdez."

"Hah?Diba sabado?Ayaw Ak--

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong hilahin ni Elton palabas at akto ko sanang hilahin ang aking kamay ng bigla niya akong binuhat at isinakay Sa sasakyan niya,Agad naman Ito pinaadar ng driver niya.

Agad ko napansin na nakahawak parin pala ang kamay niya sa braso ko.

"Pwede ba,yung kamay mo!" Galit-galitan Kong sabi sakanya.Agad naman niya itong binitawan.

"Jeffrey sa mall tayo."

"Yes po sir."

"Hah?Bakit sa mall!?"

"Gusto mo ba mapahiya Ka  Sa suot mo?"Nakasimangot niyang sabi.

Napatingin Ako Sa suot Kong t-shirt na white at short na gray Kaya napansin ko na tama nga siya mapapahiya ako Sa suot ko Kaya agad kaming pumunta sa mall.

Ilang oras ay agad naman kaming nakarating sa mall at pumunta sa forever 21! at bumili ng dress,sandal,bag at marami pa,Hindi naman daw niya Ito ibabawas sa sahod ko Kaya pumili na Ako ng mga gusto ko.Pagkatapos naming bumili ng mga  "gusto ko" dumiretso na kaming Bulacan ilang oras din ang byahe Kaya bumili na rin Si Elton ng pagkain namin.At ilang oras ay nakarating na Kami sa kompanya Nila sa Bulacan.

Pagpasok palang namin ay Agad na bumungad ang mga nagtratrabaho sa kompanya Nila.

"Good morning Sir Elton!"nakangiting bati nilang lahat kay Elton.

"Good morning din"

Papunta na Kami ng office niya ng biglang May lumapit Sa kanyang babae.

"Sir hinihintay na po kayo ni Mrs.Valdez Sa loob.

Tinanguan lang niya Ito at humarap  sakin.

My Boss Is My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon