WG CAROLINE - Part 11

4.3K 153 4
                                    

HINDI matandaan ni Caroline kung paano pero ang malinaw ay naroroon na sila sa silid ni Dave. Ang alam lang niya ay wala yatang sandali na naghiwalay ang kanilang mga labi. Kung paano siya nadala doon, sa wari ay isa nang hiwaga.

Basa pa rin ang mga katawan nilang bumagsak sa kama. Pero mas nangingibabaw ang init na isinisingaw ng kanilang katawan kaysa sa tubig na iyon. Nang gumapang ang halik ni Dave patungo sa likod ng kanyang tenga at leeg, gumapang din ang mga kamay nito upang hubarin ang suot niya.

Napadilat ang mga mata niya sa kisame. Malinaw ang isip niya sa nagaganap. Hindi niya maidadahilan sa sarili na lasing lamang siya kaya't naririto siya ngayon kapiling ang isang lalaki na pinapayagan niyang damahin ang buong katawan niya.

Subalit itanong man niya sa sarili kung tama o mali ang ginagawa niya, tila buong sistema naman niya ay nakapagpasya nang magpaubaya. Katunayan ay ang kusa pang pag-angat ng balakang niya upang ganap na maihubad nito ang suot niya.

"You're beautiful. So sexy," bulong nito sa kanya habang pinagmamasdan ang kabuuan niya.

Bumaling dito ang kanyang tingin. Inaasahan niyang makadarama siya ng hiya pero nang magtagpo ang kanilang mga mata tila nakadama pa siya ng pagmamalaki. Si Dave lang ang tanging lalaki na nakatunghay sa kanyang kahubdan. At wala siyang iniwan ngayon sa isang masarap na putaheng nakahain dito.

Kinuha ni Dave ang kamay niya at dinala sa trunks nito. Napalunok siya. Hindi kayang itago ng katiting na saplot niyon ang kahandaan nito. Atas ng kuryusidad ay naglakbay ang kamay niya upang damhin iyon. At minsan pa, narinig niya ang isang ungol buhat sa binata.

"Undress me," utos nito sa magaras na tinig.

Agad naman siyang tumalima. Hinila niya ang trunks nito at muli ay napalunok siya nang tumambad sa kanya ang mismong hinahaplos niya kani-kanina lang. It was a beautiful sight, big, magnificent and proud.

"Touch me," utos muli nito sa tila mas paos na tinig.

May palagay si Caroline na hindi man namutawi sa mga labi ni Dave ang salitang iyon ay ganoon na nga mismo ang gagawin niya. Tila may taglay na sariling atraksyon ang bahaging iyon ng katawan nito. At nang marahan niyang damhin iyon tila pumintig pa iyon.

Umakyat ang tingin niya kay Dave. Hindi niya kayang isipin ang akmang salita upang ilarawan ang ekspresyon ng mukha nito. He was looking at her intently. Ang mga labi ay tila kay diin ng pagkakalapat. Kasabay nang minsan pang paghaplos niya sa bahaging nito na pinapahawakan sa kanya ay lumunok ito.

Mariin ang mga daliri nitong lumapat sa balikat niya nang dumagan ito sa kanya.

"I want you, Caroline," paanas na sabi nito.

Isang marahang tango naman ang itinugon niya habang patuloy siya sa ginagawang paghaplos sa ibabang bahagi ng katawan nito.

Their lips met again. Higit na maalab ang bawat pagtatagpo ng kanilang mga labi. At tila may mumunting apoy ang hatid na init ng bawat paghaplos nila sa katawan ng isa't isa.

Nakaliliyo ang dulot na pakiramdam ng paggapang ng mga halik ni Dave sa kanyang katawan. At hindi niya akalaing may mas hihigit pa sa nakaliliyong pakiramdam na iyon nang dumako ang mga halik nito sa sensitibong pagkababae niya.

Iba ang naging paraan ng paghalik nito. Hindi niya malaman kung iiiwas niya ang katawan o lalo pang ididiin dito. Ilang beses na bumuka ang kanyang mga labi pero walang anumang tunog na lumabas doon.

Pakiramdam niya ay nais niyang idaan sa sigaw ang sensasyong pumupuno sa kanyang katawan. Pero sa halip, nauuwi sa mga impit na pag-ungol ang balak niyang sigaw.

Pinaliguan nito ng halik ang buong katawan niya. Hindi niya inaasahang wala itong palalampasing bahagi niya. Napapikit siya nang mariin nang pati mga paa niya ay hagkan nito.

Wedding Girls Series 14 - CarolineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon