WG CAROLINE - Part 17 - ENDING

7.1K 243 18
                                    

"WHAT BRINGS you here?" walang ngiting tanong niya kay David nang harapin ito.

"Tinatanong pa ba iyan? Dumating ako from Hong Kong, ikaw ang unang nasa isip kong kumustahin. Pero sabi ni Megan, nandito ka at biglang umuwi."

Tumaas ang kilay niya. "As if sa Hong Kong ka nga galing," sarkastikong sabi niya.

Kumunot naman ang noo nito. "Caroline?"

Naupo siya subalit tiniyak ang malaking distansya sa pagitan nila. "I met Monette the morning you left me. Sandali lang kaming nagkausap pero may nalaman ako sa kanya."

"What?" tila may bahid ng galit na sabi nito.

"Hindi siya naniniwalang nasa Hong Kong ka at ang isa pang kapatid ninyo. Sa Cebu daw mas naglalagi ang kapatid ninyo at malabong dumayo iyon sa Hong Kong para magsimula ng isa pang negosyo."

"Iyon ang alam niya," naiiling na sabi nito. "Ako lang ang pinagsabihan ni Roderick ng bagong business venture niya dahil ang mga huling negosyo na pinasok niya ay pawang nalugi. Nahihiya siyang mabalitaan ng iba na may pinapasok na naman siyang negosyo pagkatapos ay malulugi din pala. As much as possible, ang gusto ni Roderick ay ilihim muna ang tungkol sa bago niyang negosyo. Gusto niya, kapag ipinaalam niya iyon sa iba ay nagtagumpay na."

Umingos siya. "Pati kapatid ninyo paglilihiman ninyo? Mahirap yatang paniwalaan iyon."

"Carol, mas mahusay kasing negosyante si Monette. At suwerte pang bawat hawakang negosyo ay nagtatagumpay. She's always an achiever. At iyon din ang dahilan kung bakit inaasahan niyang magiging ganoon din si Roderick. Every time na pumapalpak si Roderick, puro kritisismo ang naririnig ng bunso namin buhat sa kanya kaya para hindi mapahiya this time, ako lang ang sinabihan niya ng tungkol sa pinasok niyang negosyo. And I think, he is in the right track this time. Maganda ang produktong nakita niya na balak niyang ibiyahe dito sa Pilipinas at karatig-bansa."

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa iyo," aniya matapos ang isang pagbuntong-hininga.

Tumitig ito sa kanya. "Palagay ko'y mayroon pang ibang sinabi sa iyo si Monette. What is it, sweetheart?"

"Huwag mo kong tawaging sweetheart," paasik na wika niya dito. "Wala naman tayong relasyon, hindi ba? Baka nga noong isang araw pa ay nakakita ka na ng ibang babae dahil sawa ka na sa akin."

Kay lalim ng naging gatla ng noo nito. "What are you talking about?"

"Hindi ba? Wala namang linaw ang relayson natin. Hindi ko alam kung mag-ano ba tayo. We're not committed to each other. Nang iwan mo ako nang umagang iyon, pakiramdam ko ay napakawalang kuwenta kong tao. Sa isang salita mo lang, sumasama na ako agad sa iyo. Binibigay ko sa iyo ang sarili ko pero wala naman akong maasahang kahit ano mula sa iyo. We never talk about us. Nangangapa ako sa dilim kung may kinabukasan ba tayo o wala."

"Kaya nga ako narito ngayon, Caroline. Gusto ko nang maging malinaw ang lahat sa atin."

"Go ahead, David. Kung sasabihin mo sa aking sawa ka na at may nakita ka nang ibang babae, hindi naman ako maghahabol. Wala naman akong magagawa, eh. Ganoon talaga, sumugal ako sa pakikipaglapit ko sa iyo. You can always drop me like a hot potato." At habang sinasabi niya iyon ay parang pinipiga ang puso niya sa sakit na nararamdaman.

Napapalatak ito at umiling. "Mukhang sineryoso mong masyado ang minsang paghaharap ninyo ni Monette."

"No. Ang totoo ay naiisip ko na rin ang tungkol sa atin. Alam ko namang hindi habang-panahong ganito na lang tayo. Susunduin mo ako kung kelan mo gusto at isasama mo ako sa bahay mo. Pero tama ka rin. Nakatulong sa akin si Monette para magising ako agad. And I really appreciate her concern for me. Pareho naman kasi kaming babae."

Wedding Girls Series 14 - CarolineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon