Kabanata 5

14 9 0
                                    

Nagmulat ako ng mata ng maramdaman kong hinahaplos ni mama ang mukha ko

"Anak gising na kakain na" sabi ni mama kaya kahit pupungas-pungas ako ay iminulat ko ang aking mata. "Good morning anak" bati sa akin ni mama kaya ngumiti ako.

"Gregor wag kang magagalit huh pero anak bakit lagi kang nasa kabilang kwarto sinong binabantayan mo doon?" tanong ni mama kaya ngumiti ako sa kanya.

"Ma, binabantayan ko po doon si Tala" sabi ko nakita kong nagtaka ito.

"sino siya anak?" tanong ni mama.

"Tala Madrigal po mama ipapakilala kita mamaya po sa kaniya" sabi ko sa kaniya. Nakita kong napa tango-tango ito.

Mabilis kong inubos ang kanin at nagpunta sa banyo dito sa loob ng kwarto ng kapatid ko para maligo dahil bibisitahin ko si Tala mamaya. Ilang minuto ang naka lipas at tapos na akong maligo kaya napag desisyunan kong lumabas ng ospital para bumili ng pulang rosas para kay Tala.

Sa aking pag lalakad ay nakakita ako ng batang nag titinda ng bulaklak kaya kinuha ko ang pera ko sa aking pitaka at tinawag ang bata.

"Ano po iyon kuya?" tanong ng bata kaya ngumiti ako sa kanya.

"bibilhin ko na lahat yang rosas na binibenta mo.magkano ba lahat yan?" masayang sabi ko.

"talaga po?" masayang tanong mg bata kaya tumango ako.

"720 po kuya" sabi ng bata kaya kinuha ko sa wallet ang dalawang libong piso.

"oh heto ang bayad" sabi ko nakita kong mabilis na kinuwenta ng bata ang sukli.

"kuya labis po" sabi ng bata na akmang iaabot ang sukli pero tumanggi ako.

"sayo na iyan alam kong kailangan mo kaya sa iyo na" sabi ko nakita kong ngumiti ito.

"maraming salamat kuya pagpalain po kayo" sabi niya at umalis na..

Naglalakad ako pabalik sa osptial pang ilang araw n ba ngayon lima? Agad kong kinuha ang aking telepono at tiningnan ang kalendaryo Mayo 26 pala ngayon ibig sabihin ika limang araw na kaming magkasama ni Tala..

Sa kakaisip ko ay nakarating na pala ako sa ospital kaya agad akong nag punta sa kwarto ni Tala at nadatnan ko doon ang kaniyang mga magulang.

"Oh iho" bati ng kaniyang magulang kaya nag mano ako sa kanila.

"kamusta po si Tala pwede po ba daw siyang ilabas?" tanong ko nakita kong ngumiti sila at tumango.

"oo iho kaso kailangan niyang dalhin itong inhaler at gamot sabi ng doktor para panandalian mawala ang sakit" sabi ng nanay ni Tala kaya tumango ako sa wakas makakapunta na siya sa Amusement park na pinakahihiling niya.

"Tala narinig mo iyon makakalabas kana daw" sabi ko. Nakita kong nagmulat ito ng mata at ngumiti sa akin.

"tara na kahit sandali lang" sabi niya kaya ngumiti ako at inalalayan siyang tumayo. Inilagay ko muna sa lamesa amg mga rosas at kinuha ang gamot tsaka inhaler ni Tala para sa aming gala papuntang park..

"Tita aalis na po kami ni Tala" paalam ko habang akay-akay ko siya papalabas ng kwarto. Nakita kong tumango sila at ibinigay sa amin ang doctor pass para makalabas kami.

Agad namin iyong ipinakita sa guard at hinayaan na kaming makalabas hawak hawak ko si Tala sa kamay at nag antay na may dumaang taxi para parahin ito at makapunta aa aming destinasyon..
Tanghali na ng marating namin ang amusement park kaya inaya ko si Tala na kumain muna bago sumakay sa mga rides. Naka ngiti itong tumango sa akin kita ko sa mata niya ang labis ma saya na hindi niya mapigilang mapaiyak sa tuwa.

"Ang saya dito Gregor" sabi ni Tala at umikot ikot kaya hinawakan ko ito sa beywang ng makitang daplis na itong matumba sanhi ng paglaglag ng sombrero nito

"Kalbo yung girl"
"Oo nga paano niya nagustuhan yang babaeng yan?"
"Ang sweet naman nung guy"
"Maysakit ata si ate gurl"

Yan ang mga naririnig namin at nakita ko ang pagkalungkot ni Tala kaya ngumiti ako dito at isinuot ang sombrero nito at hinalikan siya sa harap ng maraming tao. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba ang gusto ko mapasaya ngayong araw si Tala..
Sumakay kami sa mga rides hanggang sa Ferris wheel ang huli naming sinakyan

"Tala kailan ang birthday mo?" tanong ko nakita kong ngumiti ito.

"Sa May 31 ikaw?" tanong niya kaya ngumiti ako.

"June 10 ako" sabi ko kaya tumango ito.
Hinawakan ko ang kamay niya ng maramdaman kong nahihirapan itong huminga. Iniabot sa kaniya ang inhaler at binigyan siya ng gamot.

Nakita ko kung paano gumaan at panandalian ang gamot na binigay ko. Bakit kasi binigyan ka ng ganitong sakit eh napaka buti mong tao?

Why is the world so unfair?

Napag desisyunan na namin na bumalik sa ospital kaya ng marating namin iyon ay agad kaming pumasok sa kwarto niya at pinapunta sa kwarto ng kaniyang ina para magpalit ng damit at makapag hinga na.

Ten Days With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon