Kabanata 4

18 10 0
                                    

Ika apat na araw, may anim pang natitira. Nais ko siyang pasayahin sa kung ano man ang gusto niya. Naka tingin ako sa kaniya ngayon. Naaawa ako sa kaniya dahil namumutla na ang balat niya, unti unti na siyang pumapayat pa lalo. Now she sleeping peacefully sa kaniyang hospital bed sabi kasi ng doktor she need rest kaya naka upo lang ako dito at binabantayan siya.

Hawak-hawak ko ang kaniyang kamay at hinahalikan iyon

"mag pagaling ka Tala para sa akin. Isipin mo ako Tala na nasa tabi mo na hanggang kaya ko aantayin kita. Ipagtatanggol kita sa mapang husgang lipunan. Tala ko hindi mo alam kung paano mo napapa tibok ang puso ko. Alam mo bang kahit sa ikaapat na raw na tayong mag kasama nahulog na ako sayo. Tala please ayokong mawala ka. Tala first love kasi kita eh. Tala please pakinggan mo ako" sabi ko at hinalikan ang kamay niya na ngayon ay mahigpit kong hinahawakan..

Hindi ko mapigilang umiyak. Ayokong dumating yung araw na wala na si Tala sa tabi ko. Yung magpapatawa sa akin pag badtrip ako. Ang pangungulit niya. Ayokong magising isang umaga na wala na siya sa tabi ko. Na hindi ko na muli siyang masisilayan. Nakaka baliw sa tuwing iniisip ko aalis siya na kukunin na siya ni God.

Napag desisyunan kong umalis muna sa tabi ni Tala para mag punta sa may mini Church dito sa loob ng ospital. Pagpasok ko agad akong lumuhod at pinag siklop ang aking mga kamay.

"Panginoon dapat niyo po bang kunin yung taong mahal ko? Pwede po bang wag na? Pwede po bang hayaan niyo siyang mag stay sa tabi ko? Pwede bang makapiling ko siya hanggang sa pagtanda? Alam ko po bata pa ako, kami pero Panginoon mahal na mahal ko po si Tala hindi ko kakayanin na makita siyang malungkot o nahihirapan dahil sa kaniyang sakit. Pwede po bang alisin ninyo iyon kahit sandali lang??? Alam ko pong mahirap ang hinihiling ko pero sana Panginoon tuparin mo po iyon" mahaba kong sabi habang naka tingin sa kaniyang rebulto at pinahid ko ang aking luha bago bumalik sa kwarto ni Tala ayoko kasing nakikita niya akong umiyak..

Dumaan muna ako sa kwarto ng kapatid ko at nakita ko doon si mama na mahimbing na natutulog. Nag kadengue kasi ang kapatid kong si Jaylux buti at nadala namin kaagad dito sa ospital...

Lumapit ako sa ospital bed ng kapatid ko at hinaplos amg buhok nito "pagaling kana Jaylux ipapakilala kita kay Ate Tala mo pag magaling kana" sabi ko at hinalikan ito sa noo bago ko dahan-dahang sinara ang pintuan para hindi magising sila..

Pumasok ako sa kwarto ni Tala at nakita kong naka upo ito at kumakain ng paborito niyang cake.

"Gregor!" masayang tawag niya sa akin kaa mabilis akong lumapit sa kaniya at hinaplos ang mukha niya.

"Kamusta ka?" tanong ko. Nakita kong ngumiti ito "okay lang ako" sabi niya at itinapat sa bibig ko ang isang kutsara ng cake kaya napa ngiti ako at kinain iyon.

Napa titig ako sa kaniyang mukha. Napaka lungkot ng mga mata nito, matangos na ilong at medyo namumutlang labi. Hindi ko mapigilang hindi mailapat ang aking labi sa kaniya. Damn she's my first kiss.. Napapikit ako sa lambot nito at humiwalay na rin nagulat ako ng sinampal niya ako.

"bakit mo ako hinalikan?" may galit nitong tanong pero akmang sasagot ako ng tumagilid ito.

"sorry" sabi ko at hinaplos ang kaniyang buhok. Sa ngayon hindi ko na muna sasabihin sayo ang nararamdaman ko Tala...

Ten Days With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon