Kabanata 6

13 10 1
                                    

>>>>> IKAANIM NA ARAW <<<<<

I Love You Tala...

Nagising ako ng may tumatapik tapik sa pisngi ko at pagtingin ko si Tala pala kaya napa ngiti ako.

"Good morning Tala ko" masaya kong sabi at niyakap siya kaya niyakap niya din ako pabalik.

"Good morning Gregor kain kana ng breakfast nag dala sina mama ng pagkain mo" sabi niya kaya ngumiti ako dito at tumango. Agad akong nag punta sa mini table dito sa loob ng kwarto niya kinain ang pagkain napara lang daw sa akin.

Ilang minuto ang nakalipas at natapos na akong kumain. Nakita kong napa palakpak ito "ayiiee ubos na niya" masayang turan niya kaya ngumiti ako dito at lumapit sa kaniya.

"Basta para sayo" sabi ko at kinindatan ito kaya mahina niya akong tinampal sa braso kaya napa tawa ako ng mahina."ahm Tala gusto ka daw maka usap ni mama kung pwede?" sabi ko.

Nakita kong ngumiti ito at tumango "oo naman tara nasaan ba si mama mo?" masayang sabi niya at dahan-dahan siyang tumayo sa kama at kinuha sa lamesa ang kaniyang mga gamot. Nagulat ako ng hinawakan niya ako sa kamay.

"ahm ah eh nasa kabilang kwarto si mama" sabi ko kaya nakita kong ngumiti ito at hinila ako papuntang pinto.

Kumatok ako sa kwarto ng kapatid ko at doon ko nakita si mama na nagbabantay sa kapatid ko.

"Oh anak nandito kana pala sino nga pala iyang kasama mo?" tanong ni mama.

"ahm mama siya po si Tala, Tala, Mama ko pala" masaya kong sabi habang ipinapakilala ko sila sa isa't isa.

"Hi po maam" masayang bati ni Tala at niyakap si mama.

"Tita iha huh" sabi ni mama at inalalayan niya si Tala na maka upo sa mini sofa dito sa kwarto ng kapatid ko.

"Ang kyut naman ng kapatid mo Gregor" masayang sabi ni Tala habang pinagmamasdan ang natutulog kong kapatid "anong pangalan ng kapatid mo Gregor?" tanong niya.

"Jaylux Sivilla" sabi ko lumapit siya sa kapatid ko at hinaplos ang buhok ng ulo nito.

"pagaling ka Jaylux lumaban ka huh gayahin mo ako para pag nagising mag lalaro tayo" sabi ni Tala at hinalikan ang noo ng kapatid ko.

"Ah iha wag mong mamasamain ha, Anong sakit mo?" tanong ni mama kaya nakita kong napayuko si Tala.

"i have a rare disease po ito po ay ang leukemia and a heart disease po. The doctor said that i have ten days left to live in this world" malungkot na sabi ni Tala kaya agad hinagod ni mama ang likod niya "And now i only left four days. Tita natatakot ako na baka pag nawala ako hindi kayanin ng mga magulang ko kaya heto ako lumalaban. Natatakot kasi ako na baka isang araw hindi na nila makaya ang pagkawala ko hindi ko po kakayanin iyon. Natatakot ako na baka isang araw hindi na po sila sumaya" umiiyak na sabi ni Tala kaya hinagod ni mama ang buhok nito.

"shhh tahan na iha kakayanin mo di ba? Lalaban ka di ba? Tsaka nandiyan si God" sabi ni mama kaya ngumiti si Tala kay mama at pinahid ang luhang kanina pa tumutulo.

"opo naman tita para sa inyo, kina mama at papa, pati na rin po kay Gregor" sabi niya at tumingin sa akin..

"I love you Tala" wala sa sarili kong sabi kaya napa lingon sa akin sina mama at Tala na gulat na gulat kaya napahawak ako sa aking bibig. "bakit ang daldal mo ayan nadulas tuloy!" sigaw ko sa aking isipan.

"i love you too Gregor" sabi ni Tala at lumapit sa akin para yakapin ako. Im stucked hindi ako makagalaw she loves me? For real?

Ten Days With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon