Kabanata 9

10 9 0
                                    

~~~~KINABUKASAN~~~~

KA SIYAM NA ARAW

Naka upo kami ni Tala dito sa may hardin ng ospital. Hawak-hawak ko ang kaniyang kamay at naka sandal siya sa akin.

"Gregor huling araw ko na bukas" sabi niya kaya tiningnan ko ito na may lungkot sa akin mga mata.

"Tala" sabi ko pero hinawakan niya ang mukha ko at ngumiti.

"ayoko na ng sakit Gregor ayoko nang mag hirap pa" sabi niya kaya napa yuko ako.

Para akong sinaksak ng libo-libong kutsilyo sa sinabi niya.

"Ayoko na ng sakit Gregor"

"ayoko na ng sakit Gregor"

"ayoko na ng sakit Gregor"

Paulit-ulit yang nag rereplay sa utak ko. Hindi ako makagalaw, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nanatiling nakahinto at pawang ayaw tanggapin ang salitang sinabi ng taong mahal ko...

"Gregor magsalita ka naman mahal ko" narinig kong sabi niya kaya nabalik ako sa reyalidad.

"Tala hawakan mo ang kamay ko at ipinikit mo ang iyong mata" sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at nakita kong dahan-dahan niyang ipinikit ang mata niya.

"ano bang pakulo ito Gregor?" tanong niya kaya lihim akong napa ngiti mula sa bulsa ko ay kinuha ko ang singsing na kanina ko lang binili sa mall.

The ring has a emerald green design na naka ukit ng angel at may puso ito.

"Tala imulat mo na mahal ang iyong mata" sabi ko at nakita kong iminulat na niya ang kaniyang mata.

"Gregor?" tumingin siya sa akin na parang nangingilid ang kuha.

"Tala ko alam kong siyam na araw pa.lang tayong magkakilala pero mahal na mahal kita Tala ko. Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa tabi ko. Mundo kita Tala sayo lang umiikot ang buhay ko. Tala ayoko, hindi ko matatanggap kung mawawala ka. Tala mahal na mahal kita pangako kahit nasa malayo ka man mamahalin kita. Isuot mo ang singsing na ito bilang tanda na nagmamahalan tayo. Patawad kung hindi kita maiihahatid sa altar dahil bata pa tayo pero Tala pag sinuot mo ang singsing na ito para mo na rin akong pinakasalan" mahaba kong litanya. Nakita kong tumulo ang luha nito at patuloy siyang umiyak at tumango.

"yes Gregor isusuot ko ang singsing na ito" umiiyak na sabi niya kaya dahan-dahan kong isinuot ang singsing sa kaniyang daliri at niyakap siya ng mahigpit "mahal na mahal kita Gregor kaya mahal ko kahit taon ang lumipas ikaw pa rin ang mamahalin ko, dahil sayo naranasan kong magmahal na walang kontrabida. Sayo ko naranasan ang totoong kahulugan ng pag ibig na hanggang bukas ko na lang makakamtan. Gregor ayoko mang umalis pero ramdam ko na tinatawag na niya ako pero Gregor ang bilin ko hayaan mong suoting ang singsing ko hanggang sa mailibing ako nais ko sa kabilang buhay may kasama ako na alaala mo. Pangako iingatan ko ito. Hindi kita pababayaan mahal ko" umiiyak na sabi niya at humarap siya sa akin.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at unti-unti niyang inilapit ang kaniyang labi sa akin hanggang sa maramdaman kong hinahalikan na niya ako. Oo bata pa kami para sa ganitong relasyon pero wala eh puso kasi namin ang nag desisyon. Kung ano ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko?iyon ay dahil kay Tala ko. Kay Tala Madrigal naka sa puso ko ay asawa ko na. Hindi ko man siya nadala sa altar sa harap ng simbahan pero dito sa hardin kami nag sumpaan at dadalhin ko iyon sa aking huling hantungan..

Ten Days With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon