>> Gregor <<
NAKAUPO ngayon si Tala sa hospital bed at naka tingin ako sa kaniya.
"gusto kong lumabas" sabi niya kaya napa tingin ako dito.
"pero narinig kong sabi ng doktor pag lumabas ka mas lalo kang mahihirapan" sabi ko at lumapit sakanya.
"pero gusto kong makita ang amusement park, gusto kong sumakay sa mga rides sabi kasi nila masaya daw doon kaya gusto kong maranasan kahit sa huling pitong araw ng buhay ko" sabi niya at hinawakan ang kumot ng mahigpit.
Hinawakan ko ang kaniyang baba at itinaas ito ng kaunti "Tala please ayokong nahihirapan ka" sabi ko pero nakita kong tumulo ang butil ng luha niya sa kaniyang pisngi.
"hindi, gusto kong pumunta doon please pag bigyan mo na ako" pag mamakaawa nito pero umiling ako dito..
ILANG MINUTO ANG NAKALIPAS, dumating na ang mga magulang ni Tala may bitbit silang cake.
"Heto anak kainin mo pagaling ka huh" sabi ng nanay nito kaya lumapit ang ama nito at hinalikan ito sa noo.
"pa, ma gusto ko pong lumabas pwede po ba iyon?" tanong ni Tala kaya nagkatinginan ang dalawa.
"ask lang namin si dok anak huh" sabi ng tatay ni Tala at tumingin ito sa akin.
"iho may binabantayan ka din ata baka kailangan ka doon" sabi ng tatay ni Tala kaya umiling ako.
Nagbabantay kasi sa kapatid ko si mama kaya dito muna ako kay Tala."meron pong nag babantay sa kapatid ko" sabi ko nakita kong napa tango ito.
"teka iho anong pangalan mo?" tanong ng ama nito kaya ngumiti ako.
"Gregor Sivilla" sabi ko nakita kong ngumiti ito sa akin
"Ahm sige Gregor makikibantayan ang anak namin kahit sandali lang kakausapin lang namin ang kaniyang doktor kung pwede siyang lumabas" sabi ng ama nito at isinama paalis ang kaniyang asawa..
Kaharap ko ngayon si Tala at nakita ko ang munting kasiyahan sa kaniyang mga mata. "Gregor pag pinayagan ako ng doktor punta tayo sa amusement park na malapit dito huh" sabi ni Tala kaya napa tango-tango ako. Nakita kong humiga ito para mag pahinga "Gregor tutulog muna ako" sabi ni Tala at ipinikit ang kaniyang mata.
Kasabay ng pagpikit ng mata niya ang pag baba ng heartbeat niya kaya nataranta ako at mabilis na tinawag ang doktor.
I see him running so fast makarating lang dito sa kwarto ni Tala "Clear the patient" sabi ng doktor at kinuha ang makina para marevive ang heartbeat ni Tala.
Naka tingin lang ako sa ginagawa ng doktor. Hindi ko alam pero umaagos ang luha ko sa aking pisngi.
"Tala please lumaban ka" i whispered at maya-maya ay unti-unting bumabalik sa dati ang kaniyang tibok ng puso.
Humahangos na dumating ang mga magulang nito na dumating sa kwarto "maam, sir kapag naulit po ito maaaring mamatay ang anak niyo" sabi ng doktor.
"babantayan po namin maigi si Tala sir" sabi ng mga magulang ni Tala kaya tumango ang doktor at umalis na rin. Kita ko kung paano hawakan at mag alala ang mga magulang ni Tala..
BINABASA MO ANG
Ten Days With Her
Fiction généraleWould you still consider the person you loved the most as part of your life? Even if she's now gone? I'm Gregor Sivilla Back when I was 16 and she was 13. I found great love in her. She was all that I need, pero ang tadhana ay mapaglaro. Until love...