Kabanata 8

12 10 0
                                    

>>>>>>IKAWALONG ARAW<<<<<<

Bagong araw, bagong alaala at malapit na ang ika sampo pero hindi pa ako handa. Hindi ko pa kayang mag paraya. Napahilamos ako sa aking mukha sa naiisip na mawawala ang Tala ko.

"Gregor kung sakaling mawawala ako magmamahal ka ng iba ha" sabi niya at hinawakan niya ang aking pisngi kaya umiling ako.

"Hindi Tala ko lalaban ka di ba sabi mo hindi mo ako iiwan" sabi ko kaya ngumiti ito.

"oo lalaban ako para sayo mahal ko" at niyakap niya ako "alam mo Gregor sa yakap mo ako kumuha ng lakas para lumaban. Mahal kita at mahal ko kayo. Pero kung ang nakatadhana talaga sa akin ay mawala ako nais kong maging masaya ka sa piling ng iba" sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.

Napapikit ako at ninamnam ang halik niya, bumuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan ang sakit sakit lang. Mukhang nagpapa alam na siya aa akin.

"Tala ko tandaan mo mamahalin kita ng buong buo at hindi kita kakalimutan" sabi ko at hinawakan ang kaniyang pisngi at niyakap ng mahigpit.

Dalawang araw na lang. Dalawang araw ang palugit niya.

"Oh God please gusto kong manatili si Tala sa tabi ko" sabi ko ng mahina at tumingin sa langit na puno ng bituin.

"Gregor ko babantayan kita" sabi niya habang yakap yakap ko siya.

"mamahalin naman kita kahit nasa malayo kana Tala" sabi ko at hinagod ang buhok niya. Naramdaman ko ang lakas ng tibok ng puso niya. Ang pagtibok ng kay bilis ng dahil sa akin.

Napag isipan na namin na bumalik na sa loob mg kwarto niya. Gusto niya sanang maglakad kaso binuhat ko siya. Magaan yan ang nararamdaman ko nung buhatin siya lalo kasi itong pumapayat. Nang makarating kami sa kaniyang kwarto ay nandoo na pala ang doktor kaya dahan-dahan ko siyang inihiga sa kaniyang kama.

Nakita ko kung paano turukan ng gamot si Tala ko. Sakit ang nakabalatay sa mukha nito kaya napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya, hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan at nasasaktan.

"Tala gagaling ka din ha" sabi ko at hinagod ang buhok nito "pero Gregor ang sakit ma kasi eh ang sakit sakit na" umiiyak na sabi niya.

"Gregor gusto kong magpahinga pero sayo lalaban ako kaya pag natulog ako wag kang mag alalal bukas gigising ako" sabi ni Tala kaya tumango ako at inalalayan siyanh humiga para matulog...

Ilang sandali ay tinitigan ko siya na mahimbing na natutulog lumaban ka Tala ko para sa akin, sa pamilya mo at sa future mo. Pangako Tala ko hindi kuta ipagpapalit kahit kanino.

Ten Days With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon