Kabanata 7

13 9 0
                                    

~~~KINABUKASAN~~~

IKAPITONG ARAW

LALABAN KA TALA KO..

Tatlong araw na lang ang natitira. Tatlong araw na makakasama ko siya.. Tadhana bakit ang daya mo? Bakit sa lahat ng tao bakit ang Tala ko?
Naka tingin ako sa mahimbing na natutulog na si Tala. Simula ng inamin niya sa akin kahapon na mahal niya ako ay hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. I love her very much at hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala siya.

"I love you my Tala till eternity" sabi ko at hinalikan ang kamay niya. Saktong pagpasok ng kaniyang mga magulang sa kwarto..

"Iho lagi kanang nag babantay sa anak namin hindi ka ba napapagod o nagsasawa man lang?" malungkot na sabi ni Tito.

"hindi po akong magsasawang bantayan ang anak niyo" sabi ko kaya hinawakan niya ang balikat ko.

"iho ano man ang gawin natin panandalian lang ang buhay ng anak ko. Masakit man sa amin na kaniyang magulang na iwan niya kami pero anong magagawa namin kung kinukuha na siya ng taas hindi ba? Alam kong mahirap at masakit iho pero sana unti-unti mong tanggapin" malungkot na sabi ng ina ni Tala.

"pero mahal na mahal ko po ang anak niyo" malungkot kong saad.

"alam namin iho base sa mga kinikilos mo alam na namin pero iho hindi natin matatago ang katotohanan na hindi na talaga mag tatagal ang anak namin na kahit anumang sandali ay kukunin na siya. Iho alam kong lumalaban si Tala pero kita ko na bumibigay na ang katawan niya" malungkot na sabi ng ama ni Tala kaya napa iyak ako at napa hawak ng mahigpit sa hospital bed ni Tala.

Ayoko.. Ayokong marinig na mawawala na siya. Na iiwan na niya ako, na kukunin na siya ni Lord..

Napahawak ako sa magkabilang tenga ko "Ayoko po" umiiyak kong saad kaya tinapik ng ama ni Tala ang balikat ko.

"iho alam kong masakit dito sa puso pero iho kahit anong pagmamahal ang ibigay mo kung mawawala na siya hayaan mo na wag kang mag alala babantayan ka niya" sabi ng ama ni Tala kaya humarap ako kay Tala.

"lalaban ka Tala ko ha? wag ko akong iiwan kasi hindi ko kakayanin na mawala ka" umiiyak na sabi ko at hinawakan ang mukha nito bago halikan ang kaniyang noo. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin at mabaliw ako.

Siya kasi ang first love ko, ang first kiss ko, ang first hug ko at ang first exprience ko sa love pero Bakit ang tragic naman?

Ten Days With HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon