Dear Wattpad,
Tumawag siya ngayon! Nasagot ko isang beses lang. Hindi ko na napansin ang ibang tawag niya kasi naka-silent ang phone ko. Naaawa na talaga ako sa sarili ko, naka-stick ako sa hindi ko na mahal. Actually minahal ko naman siya. Oo minahal. Past tense.
Sabi pa niya, may balak daw ba akong umuwi sa probinsya. Sagot ko naman, hindi ko alam. Nagba-base lang ako ni Mama kung kailan kami uuwi. Sa totoo lang, may spark pa naman siya e. Miss ko na nga 'yon. Kung hindi lang sana kami naging LDR, mahal na mahal ko pa siya ngayon.
Dyosa,
Kesia