Dear Wattpad,
Mag-a-outing na naman kami! HAHA ang sarap lang sa feeling e! Dalaguete daw. Beach. Sa may Cebu siya. Yes! Visayas 'yon baby.
Kinunan ko muna ng litrarto ang likod ng kotse nina Tito before byahe. HEHE Bagahe overload lang.
Ang nakaka-exciting din e, overnight! Kaya may dala kaming tent. HEHE
Huminto kami sa palengke ng Carcar. Bibili kami ng pampalaman sa tyan.
Syempre, minsan sweet na naman si Giovanne. Kukulbitin nila ako sa likod tapos babatokan ko sila. HAHA Pero si Giovanne, ayaw tumigil! Pinisil pa nga niya ang beywang ko e. HIHI Oo na. Nakakilig naman 'yon diba?
Tas humawak pa siya sa pinky finger ko at umakbay pa sa akin! 'Yon pala dahil amoy pusit ang kamay niya! Ginawa akong basahan! Kinurot ko nga. Bwesit talaga... at the same time, kinilig din. Hayst buhay talaga oo.
Pagdating namin sa dagat, aba'y may party! Debut daw. HAHA ang taba pa nung debutant e, Chelsea pangalan---naka-styrofoam ang name niya! Astig nga e.
Nagbiro pa sila, "May debut! Parating na ang special guest!" Tukoy ni Tita sa amin na parang reporter at binalita talaga na parating na kami! HAHA
"Surpise ito surprise."
"Oy! Hindi pa sila nakakain! Hinintay talaga tayo. Haha" Loko 'tong si Leal e. XD
Pagka-park namin, sakto namang nagdadasal na sila.
"... the food for everyone... "
Everyone? So kasali kami? HAHA "Oy everyone daw!" Sigaw ko.
"Oh tara na!" Saka nagdire-diretsong lakad ni Giovanne. Tatawa-tawa kaming sumunod ni Leal at pumwesto pa malapit sa may party! Nagpapahalata lang?
At syempre, lemme take a selfie. XD
---
"Ang ganda oh!"
"Iyong isa."
Babae.
Aish. Putangna kung masabi sabi ko lang itong nararamdama ko, kanina ko pa sinita silang dalawa! Ang shaket men.
Kahit masakit, nagtanong ako, "Asan?" Para hindi nila mahalata na hindi ko gusto ang nga walang kwentang admiration. Tsk.
"'Yong sa may puno." Tinuro pa talaga! Tsk. Maganda naman talaga. Wala nga akong katapat don e. Tss
"Ah iyang naka-pink?"
"Yeah"
"Oo maganda nga." Komento ko at nagtuloy ako sa pagwa-Wattpad. Tsk.
Bakit nafi-feel kong pinapaselos ako ni Giovanne? Ok ako na assuming kaya paseselosin ko din siya. Hmp!
"Sa dalampasigan tayo!" Yaya ni Giovanne. Tumayo kami at pumwesto sa lamesa na malapit sa dalampasigan.
Patuloy pa rin sila sa pagpapantasya. I know hanggang don lang sila at ako rin... kay Giovanne.
Maya-maya'y umalis si Leal at bumalik na may dalang dalawang canned beer. Srsly? Dalawa lang? Hindi ako kasali? Tss
"Akin yang isa. Kuha ka ng bago." Uminom muna siya bago niya binigay sa akin. Nakanangpots.
Bad trip ako, tagay tayo! Kaso ang pait naman nito. Pwe! Iba 'to sa ininom namin sa Leyte e. Masarap pa kasi 'yon.
Kinaumagahan...
Aba'y andaming gwapo! Syet!
"Gwapo. *_*" Nilakasan ko pa ng konte para marinig nila Giovanne at hindi naman ako nagkakamali.
"Iyan? Iyan ba ang gwapo mo?"
"Hindi 'yan gwapo oy." Inirapan ko lang silang dalawa. "Gwapo kaya niyan." Pilit ko. Gwapo naman talaga e. Ayaw pang aminin ng dalawa. Tss
Sa totoo lang, nabo-bored ako sa outing na 'to. Ang panget kasi ng dagat. Mahalaman. Ilang metro lang nga ang layo sa dalampasigan, andami na ng halaman. Katakot tuloy baka may kung ano. Ginamit ko nalang na parang salbabida ang kick board. HEHE katakot naman kasi e. Tss
Nang may nakita kong pwesto na walang ka gaanong halaman ay huminto ako. Doon lang talaga ako nagbabad! HAHA sina Giovanne nga kahit saan na lumalangoy---Aww. Ano ba 'yon?
Waaaa ang ganda ng isda! Kulay brown at kulay blue. Ang gaganda!
"Oy lika 'yo! Look!" Tinuro ko pa 'yon at dali-dali naman ailang lumapit sa akin! Naka-steady lang 'yong brown na isda at ---Aw! Waaaa "Ayoko na dito! Nangangagat ang kulay brown! HUHU" Nakanang! Kitang-kita ko talaga kung paano siya humarurot sa hita ko at ayon! Tss
"HAHAHA!" Walangya. Tinawanan lang ako! Si Leal talaga. Tsk
Dali dali akong bumalik sa dalampasigan at doon na tumambay. Maglalaro nalang ako ng buhangin. HAHA
Dyosa,
Kesia