#10

23 2 0
                                    

Dear Wattpad,

Ang ginaw.

Parang nasa Bohol lang ako. Maginaw din kasi sa Bohol. Kahit hindi ako nakauwi doon, nakapunta naman ako dito.

Kasama ko ang pinsan kong lalaki na itatago nalang natin sa pangalang Leal. Sa byahe, nakakapagod talaga. Mahigit isang oras nga ang byahe e. Nakatulog nga ako sa bus. Hihi Balita sa akin ni Leal, maraming pogi dito. Yiiiee mabubusog na naman ang mata ko nito.

Saka, nakita ko na rin ulit si Crush na itatago nalang natin sa pangalang Giovanne. Omaygash kinikilig ako... 'Yong mata at ngiti niya kasi e, nakakainlab. Hindi ko nga maialis ang tingin ko sa mata niya e. Hahaha

At alam mo ba? Matu-turn off na ako kapag ang crush ko ay nagyoyosi, pero kapag si Giovanne ang gumaganyan, nakakainis kasi hindi ako matutu-turn off! Haayst. Hindi naman sa adik na siya sa yosi. Minsan lang naman siya kapag nasa oras.

Mahal ko na ba ito? Pero kasi, kapag napapatanong ako sa sarili ko niyan, bigla bigla kong maalala ang boyfriend ko. Tulad ngayon, naalala ko na naman siya. 'Yong mga memories namin naalala ko kaya minsan, ihihinto ko ang pagpapantasya ko sa mga crush ko. Hayst

Dyosa,

Kesia

Kesia PelaezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon