Dear Wattpad,
Siguro nga, dapat ko nang tigilan 'to.
Simula kasi noong nag-outing kami, parang bula na naglaho ang sweetness ni Giovanne. Lagi na siyang umuwing madaling araw o kaya'y mga alas once ng gabi.
Laging may ka-text.
Laging may nababanggit na pangalan ng babae.
Hindi namamansin minsan.
Basta! Hindi siya ang Giovanne na nakilala ko noon! Palangiti, madaming kalokohan ang mga binibitawan niyang salita. Nag-iba na talaga siya.
Hayst. Ngayon nga, madaling araw na siya naka-uwi.
Nakikinig ako sa kwentuhan nila ni Leal.
May kasama pala siya kagabi.
Kaya pala.
Narinig ko pa nga ang salitang 'touch' e. Alam niyo na 'yon.
Nag-inuman din sila. Kaya pala amoy suka 'yong kwarto nila pagpasok ko kaninang umaga para kunin ang IPad ko.
At saka, may magandang balita ako. May communication na kami ng boyfriend ko.
Pero bakit ganon? Imbes na matuwa ako ay wala itong epekto sa pagkakalungkot ko?
Siguro nga, ituon ko nalang ang pansin ko sa boyfriend ko. Wala din naman kasi akong karapatan kay Giovanne e. Baka din mahalata na ng boyfriend ko na wala na akong pagmamahala para sa kanya.
Hayst. Hanggang diti na nga lang ba ang storya ko? Na parang Wattpad lang?
Lahay puro kwento. Malabong magkatotoo?
Ito siguro ang sinasabi nilang,
So close yet so far.
Nagmamahal pero hindi minahal,
Kesia Pelaez