#15

19 2 0
                                    

Dear Wattpad,

Lumabas kami at umupo sa tambayan. Nasa kanto na pala sila.

Gumitna ako nina Nikki at Bro. Si Giovanne naman ay gumitna samin ni Bro! Di ko na tuloy katabi si Bro. HAHA lang.

Nagbangayan sila Nikki at Giovanne. About lang naman din kanina. Na ayaw akong palapitin ni Giovanne kay Nikki. Syempre pasaway ako kaya hinawakan ko si Nikki. Dating gawi, nagsumbong ako kay Giovanne. Ang kyut lang, mukhang pinag-aagawan lang ako. HIHI Lab niyo talaga ako ah! Nga naman, ako lang ang babae sa kanilang barkada HAHA protective.

Pasimpleng lumapit sa akin si Leal, "Sumakay ka sa trip. Sakyan mo si Nikki."

Ibig niyang sabihin, sakyan ko daw ang feelings ni Nikki sa'kin. Tripan ba. Sumunod naman ako... with feelings. HAHA With katotohanan ang pakikipaglandi! HAHA

Nang matahimik na ang kaluluwa, este, loob ni Giovanne, umupo siya sa ibang pwesto. Bali nasa harap namin siya pero nasa kanang bahagi.

"May tama ka na ba?" Biglang tanong ni Nikki

"Ewan" Totoo naman kasing hindi ko alam. Alam mong perstaymer.

"Kung may tama ka na, sige nga, iyang kawayan nayan, tuwid o hindi?"

"Hindi" Eh totoo naman kasing hindi.

"Iyang pangalawa?"

" tuwid"

"Yang--"

Di ko siya pinatapos, "Iyan ay tuwid. Mas mahaba pa ang pang-apat. Tuwid ang panglima."

Hindi siya sumagot. "May tama ba ako?" Tanong ko.

"Ewan. Teka, may sasabihin ako."

"Ano?"

"Alam mo ba ang sinabi mo kanina?"

"Alin doon?"

"Yung I love you"

"O tapos? Kayo namang lahat sinabihan ko non e"

"Na may pangalan ko."

"Nikki?"

Tumango siya, "Kaso may JOKE."

Natahimik ako at napangiti nalang. Naks! May tama na ito! May tama sa'kin! HAHA

Hindi sinadyang natapat ko ang kamay ko sa dibdib ni Bro. May napag-usapan kasi kami ni Nikki at nalimutan ko kung ano iyon. Hayst ito pala ang epekto kapag tapos na ang tagay.

"Heart ni Bro iyan e" sabi niya.

"Asan ang heart mo Bro?" Baling ko sa aking kanan na si Bro. Sinulyap ko si Giovanne na nakahiga pero ang ulo'y nakalinga sa amin. Hindi ko masabi kung tinitingnan niya ba kami o hindi. Ala una na kasi sa madaling araw. Madilim-dilim pa.

"Dito." Turo niya sa kanyang kanang dibdib.

"E hindi dyaan. Dito sa kaliwa." At nagmaala-studyante ako na parang dumalo sa sermonyas ng pambansang awit.

"Alam mo ba kung nasaan ang akin?" Tanong ni Nikki. Gets ko na kung anong kasunod nito. HAHA ako pa? Kayo nga alam niyo din noh? HIHI

"Andito." Turo ko sa dibdib niya. Chansing HAHA

"Hindi" lingo niya. " Dito" turo niya sa dibdib ko.

Naks! Tama nga! May tama na sakin! HAHA Umandar ang pagkapasaway ko at bumaling kay Bro.

"Nyeee Bro! Hinawakan ni Nikki ang *tooot* ko, hindi na virgin ang *tooot* ko!" Sabay yakap ko sa sarili ko.

"Waah hindi kaya!" Protesta ni Nikki.

Sinumbong ko rin siya kay Giovanne! HAHA ka-rumble ang bibig. Di nagtagal ay natahimik na naman sila.

At dahil may dugo akong malandi, simple kong hinawakan ang kamay ni Nikki. HAHA ako pa talaga ang umuna. Hindi ko inintertwine ah! Di naman siya nagreklamo. Ibig sabihin, gusto niya rin! HAHA Naramdaman kong inintertwine niya kaya gorabells na din ako.

Tinago ko sa kaliwa ko ang kamay namin, "Baka makita tayo ni Giovanne! Magalit 'yon."

Kesia PelaezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon