#11

39 2 1
                                    

Dear Wattpad,

Unang gabi pa lang namin dito ay nasa kanto na kami! Nakatambay. Chaperone ang peg lang sa pinsan ko e.

Kahit OP ako sa barkada nila, natutuwa naman ako sa kakulitan nila. Yung mga jokes nilang nakakasakit talaga ng tyan. Tapos nag-tigmo-tigmo (riddles) pa kami at nagtatanong-tanungan ng mga kapaksyetan. Halimbawa nalang,

Giovanne: Pano mo maipasok ang Elepante sa refrigerator in 3 moves.

Yung mga kaibigan niya naman, napa-isip din! Ke dali dali nga non. Hanggang sa sinagot nalang ni Leal kasi ni isa walang sumagot.

Leal: Simple, una, buksan mo ang ref. Pangalawa, ipasok ang Elepante at pangatlo, sirhan ang ref. Oha?

HAHAHA! Mataas pa 'to!

Leal: May isang mayamang lalaki at napagdesisyonan niyang mag-migrate. Lahat ng gamit niya sa bahay ay dinala niya sa pribanong eroplano. Habang nasa himpapawid nagsalita ang piloto. Sabi ng piloto, "Kailangan mong ilaglag ng isang gamit dahil nakakabigat ito sa eroplano." So ang tanong, ano sa mga gamit niya ang dapat niyang ilaglag?

Sa mahabang katahimikan ay nagsalita si Daniel.

Daniel: Yung ref!

Ako: Bakit?

Daniel: Andon kasi ang Elepante!

HAHAHA! Tawanan na may kasamang mahabang 'aahhh'. With tango pa!

Sa susunod na tanong, sasagutin ko na diretso ah.

Giovanne: Ano ang hari ng kagubatan?

Nikki (Lalaki na pambabae ang pangalan) : Lion

Leal: Kaarawan ng Lion kaya pinatawag ng Lion ang lahat ng hayop at insekto sa mundo. Mapa-dagat , ere o lupa man ito. Ang tanong, anong hayop ang hindi nakadalo?

Giovanne: Edi ang Elepante! Bakit? Kasi nasa ref! HAHAHA

Leal: Paano maipasok ang giraffe sa ref in 4 moves?

Sagot: Una, buksan ang ref. Pangalawa, ilabas ang Elepante. Pangatlo, ipasok ang giraffe. Lastly, sarhan ang ref.

Q : May isang matanda, gusto niyang dumaan sa river papunta sa kabila. Ni walang tulay. Kaso, may mga pating, piranha, crocodile atbpang lamang dagat. (Wag nyo nalang pansinin na may nabubuhay sa river na ganon ah. Tanong lang naman ito e. Haha) Anong gagawin niya para makadaan siya?

A: Hintaying makadaan ang mga pating kasi nga dadalo sila sa kaarawan ng Lion. Saka na lulusong ! HAHAHA

Q: Pagkalusong ng matanda, bigla siyang namatay! Ano ang ikinamatay niya? Eh ni hindi naman malakas ang agos ng ilog. Hanggang baywang lang ang taas non.

A : Kasi, nabagsakan ng ref! E diba hinulog ang ref galing sa eroplano! HAHAHA

Nakakagago lang ! Yung mga sagot pa nila sa panghuling tanong ay napakapaksyetan talaga! HAHAHA

Nikki: Kinain ng pating. Bumalik kasi!

Bro: Inatake sa puso!

Daniel: Inanod ng ilog! *pak*

Gel: Gago! Hindi nga malakas ang agos! Bingi ka ba o bingi lang?

Tapos tawanan overload! HAHAHA! Kagago lang!

Kesia PelaezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon