Dear Wattpad,
Dapat kagabi pa ito e. Kaso na-delete. May tama pa nga ako non nung ni-type ko 'yon. HIHI so eto nga!
May tama na ako, tipong hilong hilo na! Perstaym kasi, pang-apat na shot pa nga 'yon e. Mga 1/4 ang laman sa baso! HAHA
So ayon, nagka-amnesia ako ngayon! Ang natatandaan ko lang na dapat kong isulat ay 'yong kinilig ako sa sinabi ni Giovanne. Yung natatandaan ko nalang ang isusulat ko a! Sayang naman 'yong kagabi.
Naglakad ulit kami papuntang kanto dahil doon pinarada ni Giovanne ang motor. May tama na nga ako at nakikipag-flirt na ako ni Nikki non e! HAHA may tino pa naman ako non. Sabi ko pa sakanya, "I love you Nikki~ HEHE yak joke." Tapos lumakad ako ng mabilis HIHI Jokes are half meant to be true diba?
Yung nakakakilig naman, di ko natandaan ang tanong ko basta ang sagot ni Giovanne non ay, "Oo labs kita!" HAHAHA yiiiee omaygash napangiti ako non et! Pinapaselos ko nga si Giovanne e.
Kumapit ako kay Nikki at yumakap sa braso niya (chansing din pag may taym!) sabay sabing, "Giovanne oh! Si Nikki hinawakan ako."
"Isa ka talaga sa akin Tuklo! Bugbog ka sa akin kapag lumatay 'yang kamay mo kay Kesia!" At tinanggal niya ang kamay ko sa braso ni Nikki. HIHI answeet diba?
"Oy siya kaya ang kumapit!" Tanggol ni Nikki sa sarili niya. For sure gusto niya naman 'yon, instinct ko na may gusto din siya sa akin e! HAHA
Kinuha ko ulit ang kamay niya at tinaas, "Giovanne oh! Ang kamay ko!"
"Isa talaga Tuklo!" Tas hinawakan niya ang wrist ko at gumitna samin. "Dito ako. Ikaw Tuklo ah umayos ka! Kamay mo talaga'y babantayan ko!"
Lihim akong napangiti, gusto ba ako ni Giovanne? Kasi umaasa akong oo.
Umupo kami sa bench, malapit na kami sa kanto pero umupo muna kami.
"Tuklo!" Nilingon ko si Giovanne, tinaas niya ang kamao niya't pinakita iyon ni Nikki.
"Oh wala akong ginawa ah."
Dahil nasa likod ako ni Nikki, inakbayan ko siya. Bigla bang sigaw ni Nikki, "Oh Giovanne! Hindi ako ang umakbay ah! Tignan mo nga oh. HAHA"
Nginitian ko si Giovanne, magselos ka sana! Sana gusto mo rin ako! Manhid ka ah. "Tuklo isa!" Lumapit siya at nilayo ako kay Nikki, pinaupo ako katabi niya.
Naalala ko bigla ang nabasa ko sa Wattpad, "Gusto ko ng tubig."
"Bakit?"
"Sabi kasi sa Psychology, pagkatapos mong uminom ng alak ay uminom ka ng dalawang basong tubig para walang hangover!" Ewan ko lang at bakit psychology ang sinabi ko, e sa Wattpad ko naman 'yon nabasa. HAHA lasing na talaga. Totoo naman din na diniscuss din ni Prof iyon.
"Oh, samahan mo Tuklo! Kamay mo ah! Kapag kayo nakita kong magkalapit..." Tas huminto siya sabay tango tango na parang tanga lang.
Plano ko sanang kumapit kay Nikki kaso wag nalang , "Hindi ako lalapit sayo, pagalitan ako ni Giovanne." At nag-cross arms ako sa likod ko. Sa kanto ang inuman ng tubig kaya medyo malayo rin pero malapit lang naman. HAHA tanga lang.
Pagka-inom ko, aalis na dapat kami, kaso napansin ko 'yong nakahiga sa upuan, "Si Baloloy 'yan diba?" Tanong ko kay Nikki.
"Oo, lika mag-roll call tayo ulit." Inakay niya ko pabalik sa loob at inisa isa ang pangalan ng mga nakahiga. Tulog kasi. HEHE
"Ito si Ondo."
"Ondo" ulit ko.
"Si asdgh, tito ko." (Nakalimotan ko ang name e)
"Asdgh"
Apat pa 'yon. Pagkatapos ay dumiresto kami sa likod ng bahay na ininuman namin ng tubig.
"Si Christian 'to" turo niya.
"Yeah"
"Tas yang bakanteng upuan na yan, dyaan pwesto ko."
"Bakit dyan ka natutulog?"
"Sa mga ganitong oras na hindi ako makakauwi, dito ako."
"Ahhh" at biglang dating ni Giovanne.
"Tagal ah. Lika na" hinawakan niya ako. "Inano mo siya Tuklo? Hinalikan ka ba niya?" Baling niya sa akin.
"Hindi ah, nag-roll call lang kami. Wala ka talagang tiwala." Sabi ko.