Dear Wattpad,
Sa bawat masasayang pangyayari sa buhay ay may katumbas itong sakit. When you love, there's also pain.
Malilimutin lang talaga ako kaya hindi ko natandaan kung sa anong oras na kami nakauwi. Basta'y madaling araw 'yon.
Pagkadating namin sa bahay ay agad akong sinampak ang katawan ko sa kama. Katabi ko si Leal. Sa sahig kami humiga, naka-foam. Si Giovanne, bumalik sa kanto dahil nawala 'yong cellphone niya.
"Grabe Leal, ito pala ang feeling kapag nakainom ano?" Kwento ko.
"Oo. HAHA si Nikki talaga, may gusto 'yon sayo."
"HAHA alam ko. Malinaw sa pattern e. HAHA Grabe siya, tama talaga sa akin! Si Giovanne naman ang KJ!"
"Nah. Trip lang 'yon ni Giovanne. HAHA hindi iyon lasing. Pinlano lang namin iyon na mag-arte siya ng ganoon. HAHA"
Napatahimik ako. Mga tatlong segundo siguro, "Trip lang niya 'yon?"
"Yeah. HAHA Iyang si Nikki talaga ang laging kawawa sa barkada."
"Bakit?"
"Laging tinitripan. HAHA"
Ngumisi nalang ako. Nakakalungkot. So it means, lahat ng sinabi ni Giovanne ay trip lang? Na hindi totoo? Katuwaan?
Malapit na nga akong maniwala sa sinabi ni Bro e. Sabi pa niya, "Totoo 'yong mga sinasabi ni Giovanne, kung hindi, bakit siya ganyan makakilos?"
"Actor si Giovanne." Tugon ko. Dahil iyan din ang napansin ko, marunong umarte.
Tama nga ako, arte lang iyon. Tapos ako arte kasi naniwala. Fish tea.
Makapagbigti nga!
Joki. Mahal ko pa buhay ko. Kailan kaya maging kami ano? Malabo.
Tumahimik na kami at natulig na.
Ps. Kapag ako nagkaroon ng lakas na loob (magpakalasing nalang kaya), peksman! Sasabihin ko na talaga.