○Prologue ○

1.2K 25 12
                                    

●● HEARTBEAT ●●
💕PROLOGUE💕

Kirino POV

Ako si Ranmaru Kirino. Matagal na kaming magkakilala ni shindou. Matagal na kaming magkaibigan. Pero.. hanggang ngayon... magkaibigan parin kami....

"Goodmorning kirino" bati nya sa akin isang umaga.

"Goodmorning." Sagot ko. Kasabay ko... sinarado rin nya ang pinto ng room nya. Oo may dorm kami and college na kami.

"Nag breakfast ka na?" Umiling ako.

"Sabay na tayo" pag aaya nya. Pero... gustuhin ko man. Wag nalang..

"Wag na..." napatingin sya sakin. Naglalakad kami palabas ng dorm.

"Ok ka lang ba?" Nagtataka nyang tanong n mistulang nag aalala sa akin.

"Ok lang ako..."

Sinubukan kong lumayo. Dahil.. tuwing malapit ako sa kanya..  sa tuwing madalas kaming magkasama.. sa tuwing lagi syang nandito sa tabi ko... lalo lang lalago itong pagmamahal ko sa kanya. Lalo lang akong masasaktan...

Shindou POV

"Anong nangyayari sa kanya... may problema ba sya?" Napatanong nalang ako sa sarili ko. Iba ang kinikilos nya eh...

"Goodmorning bro! Oh.. ang agaaga nakagusot yang noo mo." Dumating si nishiki. Inakbayan nya ako.

"hello guys." Bati ni sangoku na dumating kasama ni hamano.

" hm.. ok ka lang shindou?" Tanong ni hamano.

"ewan.. galit ata sakin si kirino..."  binatukan nila ko.

"Akala naman namin kung ano lovelife lang pala problema mo!" Sabat ni nishiki.

"Friendship" pagtatama ko.

"Ediwow" sabay nilang sabi.

*classroom*

Nakatingin lang ako kay kirino.. ok lang ba sya? Sinubukan ko syang kausapin.

"Kirino bisita ko sa dorm m-" natigilan ako ng tawagin ako ni prof.

"Shindou, answer it on the board. "

Tumayo ako at hmm.. istorbo naman si prof.

Kirino POV

Yan kasi.. ang daldal.. natawag tuloy... nakakainis.. bat ba ang hirap nyang alisin sa buhay ko? Bakit... twing nakikita ko sya... ang bilis ng tibok ng puso ko...

Pagtingin ko kay shindou.. pabalik na sya sa upuan nya na. Katabi ko lang ng kaunti.

"very good"

Pinagmasdan ko ang board.. hm.. un yung tinuro nya sakin last week lang ah... hay... miss ko na sya.. kaso... di naman ako ang gusto nya eh...

*Flashback*

Naglalaro kami truth or dare at natapat ang bote kay shindou. Tumawa si midori

" so.. truth or dare?" Tanong nya

"truth" mahinang sagot ni shindou

" may crush ka ba kay kirino" natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ko.

" parang bata naman ang tanungan..." suwestyon ni nishiki

"haha oo nga eh"  dagdag ko.

"dare na nga lang." Mas mabuti pa nga.

"ok... i dare you to.. tell us.. kung may feelings ka ba ay kirino?" Eh ganun din yun eh! Tumawa ung iba.

"Hay nako shindou wala kang kawala kay midori.." pailing na sabi ni hayami.

" bakit ako?" Tanong ko.

"ah... kay kirino?" Panimula nya.

Hinihintay ng lahat ang sagot nya may gusto ba sya sakin?

Shindou POV

Ah... sasabihin ko ba? Kaso.. magiging awkward na yun... wag na nga lang! Bahala na!

"wala no. Bestfriend ko sya eh."

HeartbeatWhere stories live. Discover now