Chapter 37

93 8 5
                                    

HEARTBEAT
Chapter 37

Kirino POV

Napalunok ako. Ano namang ginagawa ng lalaking to dito? Bakit.. bakit sya nandito???

Pumasok sya ng elevator. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Paano kung sya nga talaga si shindou?  Paano.. kung..

Hay!!

*sound ng nagsarang pinto ng elevator*

Nanatili ang katahimikan. Walang imik. Bakit ba kasi.. nagkita pa kami ulit? Nasa 3rd floor sya kanina. At 12th floor pa ang condo ko! Hay.. nakakainis!

*cough*

"Ah.. " na iilang kong sabi. Bababa na sana ako at pipindutin ang button ng umubo sya.

"Have we met before? " sabi nya. Di man lang nagawang tumingin sa mga mata ko. O sa gawi ko.

"Im not sure"

Anong im not sure?? Kirino.. sya ung lalakinv kahawig ni shindou na umorder nung nakaraan lang?? Im not sure ka jan!

"You look familiar"

Sabi nya. Napalunok ako. Pano kung si shindou ka talaga? Di ko pedeng isiwalat ang tunay kong pagkatao!

"Your handsome and looks like a wealthy man. How can we met before? Im nothing  but a mere person."

Wow.. englis gurl huh? Yaman ka eh? Syempre nag aral maigi. I can even speak fluent.  Gusto mo may accent pa. Tch.. duh? Talking with this guy na kahawig ni shindou is 'Just a piece of cake!'

"Is that so? But you look familiar. You remind me of someone"

Sabi nya. Napatingin ako sa floor. Malapit na. 10th na.. at mag 11th na!

"Hmm.. is that so?" Tumango sya. At bumukas ang elevator. Dapat talaga bilisan ko na. Hindi ko na dapat pang patagalin ang oras. Baka kung ano lang masabi ng madaldal kong bibig at malaman kong sya talaga si shindou!

"What a coincidence... " usal nya. Napansin kong lumabas din sya ng elevator.

Na... nani?!?!? (What)

"Ow..  dito ka rin?"

Tanong ko kahit obvious naman sa halata.  Gosh!!! Bakit ?!?

"Yup"

Medyo binilisan ko ang lakad. Dulo pa ang room ko. At corner sya ng building. Sa floor na ito may 10 rooms. At 5 ang magkakatapat.   Siguro naman di ko sya katabi ng room no??

*key opening the door*

"Tch.. it must be fate" napalingon ako.

Anong fate fate??

"Dyan... k-ka?" Nangiti ako ng pilit habang tinuturo ang room na katabing katabi lang naman ng condo na binili ko. Room 129 akin..

"Fate.. haha.. f-fate..''  sabi ko sabay bagsak ng pinto matapos pumasok sa loob.



HeartbeatWhere stories live. Discover now