Chapter 48

106 8 2
                                    

HEARTBEAT
Chapter 47

Kirino POV

Lumipas ang mga oras at gabi na. Oras na ng pag uwi. Hinanda ko na ang mga gamit ko at naglakad papunta sa elevator. Pero sa paglalakad ko dun nakita ko si hilary at ryugel. Napangisi ako. Manliligaw na siguro yun haha.

Pumasok na ko ng elevator at ng magsasara na humabol si hilary. Nagsara na ang elevator bago pa man tuluyan makapasok si ryugel.

"Tumataka" tanong ko sa kanya. Nanatiling tahimik si hilary. Hanggang sa magbukas ang pinto.

"Kirino.. anong tingin mo kay ryugel?" Sambit nya habang naglalakad kami palabas ng building.

"Sa tingin ko.. bagay kayo. I mean.. he is good for you" hindi ko na inexplain pa sa kanya. Tinapik ko ang balikat nya at narinig namin ang pagtawag ni ryugel sa pangalan ni hilary.

"Una na ko ah. Bye bye." Natawa sya at may sinabi bago ko tuluyang makaalis.

" Wag mo agad sagutin. Pahirapan mo muna ng kaunti" natawa ako sa sinabi nya.

Hmm.. si shindou ba tinutukoy nya?

Napangiti nalang ako ng maalala ko si shindou. Nakasakay na ako sa kotse ko at nagmaneho na pabalik ng condo ng biglang tumawag si kuya endou.

"Kiri? Asan ka?" Tanong nya sakin mula sa kabilang linya.

"Pauwi na po ako bakit?" Inaayos ko ang pagkakakabit ng ear plug ko.

"Punta ka muna sa main ng shop. Ok lang ba?" Hmm? Ano meron?

"Ahh okay po pero para san?" Tanong ko at tumawa sya.

"May i a announce kami ni ate kazemaru mo." Napangiti ako lalo. Ano kaya un? Nakaka excite naman!

Umikot ako ng daan at dumiretsyo sa main ng coffee shop namin.

*engine stopping*

Tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba ng sasakyan. Teka.. bakit ang dilim? Naputulan ba ng kuryente?

Binuksan ko ang pinto. At pagbukas ko nun. Nagsindi ang mga ilaw na may romatikong aura. At nasilayan ko ang bagong disenyo ng shop. Puno ng putal petal ng rosas ang nagkalat sa paligid. At tunog ng violin ang aking narinig

HeartbeatWhere stories live. Discover now