Chapter 45

103 8 1
                                    

HEARTBEAT
Chapter 45

Kirino POV

*dug dug dug dug*

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya. Maging ang tibok ng puso ko. Kasalukuyan syang nakupo sa hospital bed habang nakasandal sa headboard. Ako naman nakakandong sa hita nya. Habang yakap nya ng mahigpit ang aking bewang. Nakahawak ako sa kanyang balikat bahang nakabaon ang kanyang mukha sa kanan kong balikat.

"Shin.. dou" tawag ko sa kanya. Nais ng utak na sabihing lumayo dahil hindi ito tama. Walang kami. Pero nagpupumilit ag puso at sinasabing

Wag umalis...

Hayaang lumipas amg oras...

Maging masaya..

Dahil nasa ako ngayoy nasa piling nya...

"Kirino.. please.. just for a moment..." mahinahon nyang sabi kasabay ng pagsayaw ng kurtinang hinahaplos ng hanging galing sa naka bukas na bintana.

Ang katahimikan na tanging pintig lamang ng puso ng isat isa ang naririnig..  kay sarap pakinggan..

Kay sarap patigilin ng oras para hindi na matapos pa ang mga sandaling ito.

Pero nagsimula ng magsalita si shindou.

"Kirino..." sa pagtawah nya sakin ramdam ko ang sakit. Ang pagmamahal pero may kalungkutan. Pagkangulila..

"Kirino... san ka ba nagpunta. Alam mo bang kay tagal kitang hinanap? " lalong himigpit ang yakap nya sa akin na ultimo ako ramdam ko ma hindi nya ako nais pakawalan.

"Namiss kita. Sobra sobra.. alam mo bng bawat oras ikaw ang nasa isip ko? Ikaw ag laman ng puso ko..." naramdaman kong may mainit na bagay sa aking balikat. Rinig ko rin ang mga hikbi ni shindou.

Umiiyak sya..

"Wag mo na akong iwan. Wag mo na akong takasan.. wag mo nang gagawin sa akin ang ginawa mong paglayo.. kirino~"

Bawat salita.. bawat katagang binibitawan nya nagmistulang martilyo na pumupukpok sa aking puso. Para akong winawasak..

"Sa sobrang pagmamahal ko sayo.. ni hindi ko nang magawang mahalin ang sarili ko kirino..."

at ng oras na ito.. niyakap ko syang mahigpit. Kasabay ng sunodsunod na pagbagsak ng patak ng mga   luhang hindi ko mabilang.

HeartbeatWhere stories live. Discover now