Chapter 47

110 8 0
                                    

HEARTBEAT
Chapter 47

Kirino POV

"Oh tama na. May pasyente pa akong pupuntahan" sabi ko sabay tapik ng kanyang pisngi.

Kahit gustuhin ko man na manatili pa dito. Hindi maaari. Doktor parin ako at kailangan kong magtrabaho.

Tumayo na ako pero bago pa man ako tuluyang makatayo. Isang nakaw na halik sa pisngi ang ibinigay sa akin ni shindou. Natawa  nalang ako at ginulo ang kanyang buhok.

Umalis na ako at nagpunta sa iba ko pang pasyente. Puno ng saya ang aking puso. Batid din ng mga pasyente ko ang magandang mood ko. At di ko naman na itinanggi pa.

Ng araw na iyon sinundo na ng mga tauhan ni shindou ang dalawa. Si lala at shindou ay inihatid ko sa labas ng hospital.

"Sumama ka na pabalik sa kyoto.."

pagpupumilit ni lala sa akin.  Gustuhin ko man.. hindi maaari.

"Lala.. napag usapan na natin ito hindi ba?" Nagpout si lala sa sinabi ni shindou.

Alam kong nagtalo rin kami dahil dito pero wala rin syang nagawa.

"Sige na nga. Pero apo.. " ngumiti ako at ako na mismo nagsabi.

"Lala magkikita pa po tayo" napangiti si lala at niyakap ako. Pumasok na sya sa loob ng sasakyan.

"Salamat" sabi ni shindou habang nakangiti at nakapamulsa.

"Oo naman. " tumingin sya sa gawi ni lala.

"Susunduin kita" ngumiti ako. Kelan kaya un? Di na ako makapag hintay!

"Mag iingat kayo" tumango sya. Binuksan na nya ang pinto.

Akala ko ay tuluyan na syang papasok kaya kumaway ako ng byr bye. Pero isang iglap lang. Ang mga bisig ni shindou ay pumalibot sa akin para ako ay yakapin. Namula ako dahil sa pagkahiya.

Lalo na at alam kong maraming tao ang makakakita.

"Shindou.. mag iingat kayo" tinapik ko ang kanyang likod.

"Ikaw rin. Mag iingat ka. Mamimiss kita.."

At umalis na sila. May lungkot sa aking puso. Pero alam ko. Magkikita pa kaming muli. Marami pang pagkakataon

HeartbeatWhere stories live. Discover now