Chapter 46

106 8 0
                                    

HEARTBEAT
Chapter 46

Kirino POV

Naging maayos naman ang samahan namin ni shindou. Madalas ang pagbisita ko sa kwarto nya. Nagkakausap rin kami ni lala. At nagtatawanan pa minsan. Lumipas ang isawang buwan at tuluyan ng nakarecover si shindou. Naging masigla rin si lala at ngayon.. ang huling araw nila dito sa ospital.

"Shindou oh.. pinagbalatan kita ng mansanas.." lumapit ako sa higaan nya at umupo sa malapit na upuan. Iniabot ko ang platito na may hiniwang mansanas na may katas ng orange para hindi agad masira ang itsura.

Nang maiabot ko na ang platito. Akala ko hahawakan nya yun pero hinawakan nya ang kamay ko dahilan kung bakit napalapit ako sa kanya. Nawalan ako ng balanse at tuluyan ng napakandong sa kanyang hita.

"Dok.. subuan mo ko" nagblush ako kasi ang cute ng pag kakasabi nya. May pa puppy eyes pang nalalaman.

"Hay nako shindou. May pasyente pa akong pupuntahan-" natigil ako ng lalo syang magpacute

"Shindou naman eh.." tumawa sya at isinubo ang hiwa na mansanas na nasa kamay ko. Wala akong nagawa dahil hinawakan nya ang kamay ko papalapit sa kanyang labi.

*cough cough*

"Ehem ehem.. ward po ito hindi motel" isang boses ang nagsalita.

"What the-- " natigil si shindou sa sinabi nya at binato nalang ng dyaryo ang lalaking pasimuno ng kalokohan.

"Ryugel lumayas layas ka dito. Palibhasa wala kang alam sa lovelife. Pati kapatid mo inuutusan mo para mapalapit kay hilary at ilakad ka" sa oras na ito si ryugel naman ang nagbato pabalik ng dyaryo.

"Ewan ko sa inyo!" At lumabas na ng kwarto ang naiinis na lalaking may puting buhok.

Nagtawanan lang kami ni shindou.

"Baliw ka talaga. Ininis mo na naman si ryugel.." sabi ko kay shindou. Tumawa lang sya at pinisil ang ilong ko.

"Sh-shindwo!" Tumawa sya at nilapit ang mukha nya sa akin.

" ang cute cute cute mo talaga.." sambit nya habang pinaglalaro ang dulo ng aming ilong.

HeartbeatWhere stories live. Discover now