Chapter 49

107 7 0
                                    

HEARTBEAT
Chapter 49

HEARTBEAT
Chapter 49

Kirino POV

Ang halimuyak ng mabangong rosas.. ang sumabay sa awit ng musika na galing sa isang violin. Rinig din ang tunog na pagpatak ng tubig na animoy ulan.

Pero kung papakinggan mo. Maganda ang pagkakahalo nito. Parang isang pyesang nilikha talaga para sa isat isa.

"Naalala mo pa nung una tayong magkakilala?"

*flashback*

Basang basa ako ngayon. Pano ba naman ung pisteng kariya na yan kinuha ung payong ko! Gosh! Napansin ko may tao rin ala sa waiting shed na to. Nakakahiya naman kanina pa ko sigaw ng sigaw dito...

Hmm... kulay gray ang hair nya at.. mukhang pang ibang school. Mayaman siguro... wow ang galing naman may violin sya?? Astig..... maglalakad na sana sya ng biglang may dumaan na sasakyan.

*end of flashback*

Isang tinig mula sa speaker ang narinig. Hinding hindi ako magkakamali. Si shindou iyon. 

Ang boses na iyon na walang makakapalit.

Kay shindou iyon.

"Umuulan non hindi ba?"

Naglakad ako papasok pa sa loob. Pero.. hindi ko parin makita si shindou.

Nasaan ba sya?record lang yata ung boses na iyon eh..

"At tinulungan mo rin ako noon. Yung dahil sa  kotse.. ung talsik ng tubig.. sinangga mo iyon"

Natawa ako ng maalala ang scenario na iyon.

Ung reaksyon nya...

*flashback*

Kirino: teka saglit may-*hinatak si shindou at.. sya ang nabasa ng tubig* sa..sakyan.. he..he..

Shindou: *nagaalala ang mukha* ok ka lang ba?? May masakit ba sayo? Nasaktan ka ba??

*end of flashback*

Hindi ko mabura sa ala ala ko ang pangyayaring iyon..  nakatuwang isipin..

"At nung araw din na iyon.. hindi mo hinayaang mabasa ang violin ko"

At nakita ko ang isang bahagi na may mga light na iba ibang kulay. May kurtina na manipis.. at unti unting bumukas ito

"Kaya kirino.. ang pyesang ito.. ay alay ko sayo"

At nagsimulang balutin ang buong paligid.

Ng musikang likha ng isang mahusay na manunugtog.

Musikang sumasabay sa paligid ang bawat ritmo at indayog.

Musikang magpapabilis ng tibok ng puso mo.

At isa lang ang nangibabaw sa samutsaring damdamin na ibinibigay nito

Walang iba kundi

"Pagmamahal"

HeartbeatWhere stories live. Discover now