Chapter 43

101 7 1
                                    

HEARTBEAT
Chapter 43

Kirino POV

"La..la.." bigkas ko kasabay ng pag init ng sulok ng aking tenga. Nakita ko ang pagbabago mg ekspresyon nya. Napahawak sya sa kanyang labi at dahandahang lumapit sa akin

"Maiwan ko na muna kayo" sabi ni rei matapos hawakan ang balikat ko. Umalis na sya. Lumapit sa akin si lala.

Hinawakan nya ng kamay ko at  di mapigilang may tumakas na patak ng luha sa kanan nyang mata.

"Kirino.. ikaw na ba yan?" Tanong nya. Tumango ako. At ng oras na iyon.  Nakaramdam ako muli ng tunay na yakap. Yakap ng pag ibig. Ng pangungulila. Ng pagkagalak. Ng pag mamahal.

Pinapasok ako ni lala sa loob ng kwarto. Kasabay ng mga kwento nyang di mubos ubos. Alam ko ng mga panahon nawala ko wala sya masyadong makausap. Bakas sa pananalita nya ang saya pero may lungkot. Pagod na si lala.  Marai na rin syang napagdaanan.

"Kirino apo.. kelan kayamagigising ag shindou ko?" Hawak nya ang palad ko pero nakatingin sa nahihimbing na si shindou.

"Lala.. wag na po kayong mag alala. Di po iyan nakabubuti sa iyong puso.." tumango sya sa sinabi ko.

" pero kirino... di ko naman kayang di mag alala. Sya nalang ang natitira sa akin. Simula ng umalis ka at di mahanap.. nawala na rin sa mundong ito ang kayang ama. " 

napangiti ako ng mapait. Alam kong tutol ang ama ni shindou sa pagmamahal ko sa kanyang anak. Dapat ba kong matuwa? Pero ama parin sya ni shindou. At.. anak sya ni lala. Kahit anong mangyari.. mahal parin nila sya. At alam ko namang mabait syang tao. Pero.. di nya nakita ang.. tunay na ako. Nasilaw sya sa paghahangad ng malaking kumpanya at negosyo..

"Kirino apo.. saan ka ba napadpad. Bakit hindi ka namin mahanap? Alalang alala si shindou at ako sayo.." napatingin ako kay shindou.

HeartbeatWhere stories live. Discover now