# 2 years later...
Dalawang taon na ang nakalipas at sa mga araw na nagdaan, pilit kong kinalimutan ang lahat ng nangyare sa amin ni Leo... pinilit kong mag move on at magpursigi sa buhay lalo na at mabilis lang na lumipas ang panahon , parang kailan lang kasi ipinanganak ko si Leonel and he's a handsome baby boy... napakasaya ko ng lumabas na sya sa sinapupunan ko naiyak ako sa saya.. hindi ma papalitan ng kahit ano ang kasiyahan ko noong dumating na si Leonel sa buhay ko ..
Noong nalaman ni Mama at tito na buntis ako agad silang umuwi at kung anu ano pa ang binili nila, mga damit sa bata laruan at ibang gamit na pang baby.. excited daw sila na lumabas ang apo nila, tuwang tuwa naman si tito ng malaman namin na lalaki ang baby..
Habang si Jen naman ang laging kasama ko sa twing naglilihi ako , sa twing may kailangan ako sya ang tinatawagan ko.. mahal na mahal talaga ako ng bestfriend ko, para narin syang pangalawang mommy ni Leonel dahil sobra pa sya sa akin kung magalit pag may kagat lang ng insekto si Leonel..
Hindi naman ako pinababayaan ni Nanang, ginagawa nya lahat.. inaalagan nya ako na parang bata , pinapakain ng masustansyang pagkain..
Kahit sobrang sakit ang nangyare sa akin , masaya naman ako dahil may mga taong handa akong tulongan at hindi ako pababayaan.. masasabi kong , unti unti ng nabura ang sakit sa puso ko at handa na akong patawarin si Leodemar sa ginawa nya sa akin. Lahat naman tayo nagkakasala, at lahat tayo may chance na patawarin kaya ibibigay ko iyon sa kanya..
" hey , okay ka lang ? Bumaba ka na magsisimula na ang party "
Napatingala ako sa kanya at ni baby Leonel na kandong nya. Makikita kong masaya sila tignan, malapit na malapit silang dalawa, kahit naman maliit pa si Leonel alam kong gustong gusto nya si Sam. Malakas kasi syang tumawa kapag si Sam na ang kasama nya.
" nandyan na ba ang mga bisita ? "
Tanong ko kay Sam at tumayo ako para kunin sa kanya si Leonel.
" yah , ikaw nalang ang wala sa baba. Bakit ka ba nagtatago dito ? Mind to share ? "
Mula sa pagka tingin ko sa kanya ibinaling ko ang mga mata sa baby ko na buhat buhat ko at hinawakan ang maliliit na kamay nito ..
" naisip ko lang Sam na , napaka bilis lang ng panahon na lumipas. At ngayon , lumalaki na si Leonel... "
Napangiti ako habang nakatitig sa baby ko ..
" habang lumalaki sya , mas lalong nagiging kamukha nya si Leodemar .. "
May bahid na ng kalungkotan ang ngiti ko .. kaagad kong naramdaman ang pagyakap ni Sam sa akin, hindi iyon mahigpit kasi baka maipit si Baby Leonel.
" bakit ka naman nalulungkot ? Mas magiging masaya ka nga kasi kahit wala na kayo ni Leo nandyan naman si baby Leonel.. ibuhos mo lahat ng pagmamahal sa kanya .. and of course , lagi ko naman itong sinasabi sayo diba ? I'm always here for you Jessa "
Nabalitaan ni Sam kay Jen ang nangyare sa akin , sinabi ni Jen sa kanya noon na buntis ako at bago ko pa pinanganak si Leonel nandoon na si Sam sa tabi ko , sinasamahan nya akong magpa check up kay baby na nasa tyan ko pa noon .. at hanggang ngayon, nandito sya na handang tatayong ama ni Leonel.. pero , syempre ayokong gawin iyon kay Sam. Gusto kong makahanap sya ng totong magiging pamilya nya , mas magiging masaya ako kapag ganon para sa kanya.
" tama na nga tong pag eemote natin, bumaba na tayo "
Wika ko at agad na bumitaw si Sam sa pagkayakap sa amin ni Leonel..
Sabay na kaming bumaba at pagkarating namin sa sala agad naman silang kumanta ng Happy Birthday para kay baby Leonel.. simple lang ang naging handaan, maraming mga bata ang naroon at syempre hindi mawawala ang mga ninong at ninang ni Baby, present na present naman si Jen na syang nagpasimuno ng childrens party para sa birthday ni baby..
BINABASA MO ANG
ONE IN A MILLION
RomanceR-18 A million feelings , ang nararamdaman nang isang independent woman na si Jessa joy nong una nyang ma meet ang lalaking si Leodemar Fernandez na syang nagparamdam sa kanya ng kakaibang feeling sa isang beses lang na halik. They met again when Je...