---
I have a boyfriend.
I met him through internet. Hindi pa kami nagkikita sa personal pero this saturday, balak naming sabay na i-celebrate ang first anniversary namin.
Ibig sabihin, magkikita kami at naeexcite ako doon.
Ngayon palang ay iniisip ko na kung ano ang mga gagawin at pupuntahan namin samantalang monday palang.
Habang nag iisip ay biglang tumunog ang phone ko.
Nagchat siya. OMG
At ang chat niya.. Miss daw niya ako? Ganda ko talaga. Shet.
Kaya naman sa sobrang kilig ay kaagad akong nagreply sa kanya.
Lumipas ang ilang araw. At bukas sabado na. MAGKIKITA NA KAMI!!
Kaninang umaga ay pumunta na akong SM churvaness para bumili ng regalo ko sa kanya. Sana magustuhan niya.
Maisip ko palang na magugustuhan niya ang regalo ko?? Kinikilig na ako.
Alam kong dapat mag-ingat na ako pagdating sa pag-ibig dahil minsan na akong nasaktan. Pero ewan ko ba, pagdating kay Cupid parang ang bilis kong nahulog.
Ginayuma ata ako ng walang hiya!!
Kidding aside, pero alam ko naman na iba siya. Magkaiba sila ng ex ko. Impakto 'yung ex ko pero siya hindi. At nararamdaman ko na totoong mahal ako ni Cupid.
Pero kung tutuusin, hindi naman talaga impakto ang ex ko. Masyado lang akong kinain ng galit ko sa kanya pero ang totoo. Gwapo siya. Ang dami ngang babae na nagkakandarapa doon e.
Literal na nagkakandarapa. Katakot nga e para silang mga sadako. Ew
Pero siguro, may bago ng girlfriend yun.
Napailing ako. "Haist pakielam ko ba! Wala naman akong pakielam dun hmp."
Habang nakahiga ay biglang tumunog ang phone ko. Syempre, sino pa ba ang dahilan? Edi yung babe ko hehehe.
"Babe, naiinis ako." chat nito sa akin.
"Bakit babe?"
"Nakita ko kasi 'yung ex ko." kaagad na reply nito.
"Oh saan naman? Sinapak mo sana." okay, ang harsh ko hehe.
"HAHAHAHAHAHA LANGYA KA BABE, HINDI NAMAN AKO GANUN."
Hanep. Nasabihan pa ako ng langya. Bwisit na 'to.
Pareho kaming may past relationship. At 'yun ang dahilan bakit nagkasundo kami before hanggang sa tinanong niya ako kung "pwede daw bang manligaw?"
Hindi ako selosa. Hindi rin naman kasi niya pinaramdam sa akin na may iba pa. Actually, ako pa ang palaging nagsasabi sa kanya kung ano dapat niyang gawin kapag nagkikita sila ng ex girlfriend niyang panget.
Pero dahil mabait ang boyfriend ko, hindi niya ako sinusunod hehe.
Kinabukasan, nagising ako ng maaga. Syempre, ngayon na ang araw na magkikita kami ni boyfriend.
Kailangan maganda ako kahit na alam kong maganda naman na ako.
Usapan naming magkita sa 4th floor ng SM churvaness dahil nandun ang park. Yung may pekeng bermuda grass.
At dahil unang beses naming magkikita, napag-usapan namin kagabi kung anong kulay ng damit ang isusuot namin.
Nagsuot ako ng white long sleeve na tinupi ko hanggang siko with matching of black pants and white rubber shoes. Nakasumbrero rin ako ng itim saka sling bag na may lamang power bank, earphone at wallet.
![](https://img.wattpad.com/cover/200416919-288-k443062.jpg)
BINABASA MO ANG
Still you
RomanceMeron kana bang naging ex boyfreind? Masakit ba nang nag break ka yo Shempre masakit sinong tao ang hindi masasaktan kapag yong taong ang hindi masasaktan pag nawala ang isang mahalaga na tao sa you " PLAY GIRL " lang ang hindi masasasaktan kasi na...