COURAGE
Unang araw sa school.
Hindi ko man alam ang dahilan ng paglipat ko ng school, hinayaan ko nalang dahil may tiwala ako sa tito kong pulis, sa tingin niya'y mas nakabubuti ito para saamin.
Marami na rin kasi akong naka-away sa school, andami kong nahuhuling mga estudyanteng gumagawa ng mga hindi dapat nila gawin lalo pa't bata palang sila. No, let me rephrase that, they're doing illegal things tapos sinumbong ko sila. Worst thing I've witnessed was two individuals having sex behind the lockers. Kitang-kita ko kung paano silang sarap na sarap sa ginagawa nila na para bang walang possibleng makakita sa kanila. Huh, I still vaguely remember it up to this day. Ang dami ko na palang sinasabi. Malalate na pala ako sa first day. Tumakbo na ako palabas at hindi na tinapos ang almusal ko. Ngumunguya-nguya pa nga ako dahil may natirang tinapay sa bibig ko.
"Bye tito! Muwah!" I blew a kiss before entering tito's car.
Kakabili lang niya nitong buwan lang, itim at kumikintab pa. Hindi ko alam kung ano tawag dito dahil hindi naman ako maalam sa kotse. Pero maganda siya, naka-ilang sakay na rin ako rito kasi gumagala kami minsan gamit nito.
Ngiti pa akong umupo sa kotse at linapag ang gamit ko sa tabi ko, lumingon ako sa kanan para tignan si tito through the car's window.
"Tito?" pabulong kong hanap sa kaniya nang hindi ko siya makita kung saan. Akala ko tinataguan lang niya ako kaya tumawa pa ako.
My heart suddenly skipped a beat. Usually, when I blow a kiss, he waits for me to enter the car bago saluhin 'yung kiss para pabirong itapon iyon dahil ito na ang naging biruan namin noong bata pa ako, alam 'yan ni Manong driver. My eyebrows knitted when I knew that he was totally gone before my eyes.
But eh. Hayaan mo na, baka pumasok na agad sa bahay. Baka may biglang important phone call. Maaga rin kasi pasok ng mga pulis.
Humarap na ako at kumuha ng tubig para sa biglang nanuyo kong lalamunan. Sinenyasan ko na rin si Manong driver na humarurot na papuntang school dahil malalate na ako. Nakita ko naman siyang ngumiti mula sa salamin sa harap bago mag-drive paalis.
Isa rin 'tong si Manong driver na napaka-weird. Ilang taon nang nag-ttrabaho si Manong driver dito saamin pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya hanggang ngayon. Whenever I ask tito or tita about it, they just give me a smile or they just either change the topic! Hence, called him Manong driver nalang. I stopped din when I reached highschool because there were other important things to focus on.
Now that I'm 17 and currently free from any form of stress at the moment, doesn't this seem like a right time to ask for his name?
"Uhm," nagdalawang isip pa ako, but I still gave in my curiosity. "Kuya, ilang taon ka na pong nag-ttrabaho rito sa amin pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niyo. If you don't mind me asking, what's your name?"
I observed his expression through the reflection of him on the driving mirror. Ngayon ko lang na-realize na nasa mid-30s lang pala ang itsura ng driver namin because I'm not really focusing on what he looked like dati. Mejo makapal din ang kilay niya at may malungkot na mata. Now that I'm observing, I saw a bit of a raise sa kaniyang upper lip. Made me uncomfortable in some way. Na-creepy-han ako.
Though focused lang talaga siya sa pag-drive. Hinigpitan din niya ang hawak niya sa manibela. I was waiting for him to answer me pero nagmukha lang akong kumakausap sa hangin. Hindi niya ata ako siguro narinig. Sana pala hindi ko nalang tinanong.
Tahimik ang kotse— no music nor any other noise— kaya hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung ano-ano. Binasa ko nalang sa utak ko 'yung mga signage na nahahagilap ng mata ko. Mercury Drug. Jolibee. Palawan Pawnshop. Also to distract myself sa kahihiyan na nararamdaman ko kanina.
BINABASA MO ANG
RELOAD
Mystery / ThrillerA fire occured in Courage's first day of school in Creighton University, not knowing what havoc brings her after she wakes up in an oddly familliar place that brought forgotten memories of her traumatic childhood. Now that they're inside the buildin...