COURAGE
Nanginginig na ngayon sa takot si Prisoner 12. Mukhang gusto niyang magsalita pero napipigilan siya ng kaba dahil pati ang labi niya ay nanginginig na rin. Her gaze was silently asking for help; tears slowly dropping from her eyes. But what help does she need? She started this mess and decided to play the game. She admitted her defeat. Now she'll face her consequences. This is what happens if you step into the void. It was fun while it lasted.
"Tell us what happened from the beginning! We deserve an explanation!" protesta ni Prisoner 4 na galit na galit ngayon.
"Oops~ Sorry for butting in the intense conversation right now but it's already time for voting~"
There were blank papers under our desk with provided red ink pens. Wala sila kanina but obviously kagagawan ni MC na palitawin sila ngayon. Kumuha na ako ng isang pirasong papel at ng ballpen. Sinulat ko na ang Prisoner 12 sa papel na hindi nagdadalawang isip.
"P-please let me explain!" biglang ingay niya nang makita niyang tapos na kaming lahat magsulat sa balota maliban sa kaniya. Siya nalang ang inaantay namin. Lumuhod siya sa harap habang kinikiskis ang kaniyang mga palad. Iyak na siya nang iyak ngayon.
"Please... kaya... kaya ko lang naman iyon nagawa kasi..." sa bawat bigkas niya ng salita ay parang hinihika siya. Ganoon kalakas ang kaniyang pag-hikbi, parang wala ng bukas.
"There's no excuses to your savage behavior." Azazel provoked her, making her stand up and stare at him with so much anger.
"HE'S DISRESPECTFUL! He called me slurs just because I asked him where we were on our first day... I approached him with pure intentions but he... he's a disgusting human being! He's the one who deserves to be put on death row!"
Oh gosh. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko sa naririnig ko ngayon. Nagpatuloy siya sa pag-iiyak nang malakas. Makes me realize how young she is for this.
"That was your reason?" Prisoner 4 asked. Hindi ko alam kung nabababawan siya ro'n o talagang nagtatanong, e.
"Not only that," huminga siya nang malalim at mas kumalma na keysa kanina. "Back when I was still an elementary student, I met him once at a restaurant. Hindi niya trinato nang maayos 'yong staffs doon! Why is it my concern? Obviously kasi nanay ko 'yon! Nagkaroon lang ng pirasong buhok 'yong sabaw sinisi na agad si mama dahil siya lang ang kaisa-isang babaeng nag-seserve ng mga costumer. Walang nagawa nanay ko kundi mag-sorry lang nang mag-sorry kasi sikat siya at kakampihan siya ng madla. Pinaluhod niya si mama, tinanggal niya sa trabaho si mama, naghirap kami lalo dahil sa tanginang matapobre na 'yan!"
Umiyak siya lalo. "Si mama lang ang mayroon ako. Kaya nagagalit ako kapag nakikita kong may nananakit sa kaniya. Dahil din sa putanginang Gyan na 'yan... kinain namin 'yung alaga kong kuneho dahil wala na talaga kaming pera. Nakwento sa akin ni mama na no'ng maliit palang ako at nasa puder ako ni ama, palagi siyang nasa rally dahil sa kriminal na hindi mahuli-huli— isang linggo siyang hindi kumain. Tumakas lang kasi siya na walang dalang pera kasi ayaw ni papa na sumama siya sa mga ganoon. Makulit si mama, e. Basta kapag natatapakan na ang karapatang pantao pinaglalaban niya kahit mapahamak buhay niya. Gano'n si mama. Mukhang gano'n din ako, pero pinagkaibahan namin... hindi ko na matiis."
"Simula no'ng nawala si ama no'ng ako'y elementary pa lang nagsimula na akong bullyhin ng mga kaklase ko. Doon... doon nagsimula... sa sobrang inis ko sa kanila... pi-pinakain ko sila sa mga kuneho ko. Nung sumunod na araw hindi na ako pumasok kahit kailan man, hindi ko rin pinaalam kay mama dahil alam kong depressed na siya sa buhay. Tinulong-tulungan ko lang si mama sa bahay hanggang sa naka-receive ako ng liham mula sa Creighton. Willing daw silang pag-aralin ako. Naalala ko noon na tuwang-tuwa pa si mama nang nabasa niya 'yon. Pumayag din naman ako kasi mas malayo 'yung Creighton sa dati kong school. Sigurado akong wala akong makakasalubong na kakilala ko dati. Hanggang sa nadakip tayo rito at nalaman ko kung ano'ng dapat gawin para makalaya."
BINABASA MO ANG
RELOAD
Mystery / ThrillerA fire occured in Courage's first day of school in Creighton University, not knowing what havoc brings her after she wakes up in an oddly familliar place that brought forgotten memories of her traumatic childhood. Now that they're inside the buildin...