COURAGE
It's finally clear. All along, what she was seeking for was revenge. Her motive was her weakness. Prisoner five knew something about her and she was dumbfounded about the situation happening tonight. Inamin na niya, siya ang pumatay.
"So... how did you kill him?" tanong ulit ni President, hoping to catch her lacking once again.
"I... What? No! Wala akong pinatay na kung sino! Goodness gracious, hindi niyo ba alam na nasa ten commandments ang pagbabawal sa pagpatay?" Ginamit niya ulit ang kaalaman niya sa religion, wala sa amin ang nabilib doon.
Lahat kami'y gusto lamang makarinig ng katotohanan mula sa kaniyang pagpatay sa kaibigan niya. She keeps talking about that, needless to say, as if her faithfulness is going to save her ass here.
"Stop using your god in every sentence you speak, Prisoner three. It disgusts me. Your god won't save you here in this hell, face it." President was definitely pissed judging by her tone and stance. If this was a play, my hands would applause after.
"P-pero hindi nga ako ang pumatay! Binabalak ko lang but it was never my intention to kill today! Naitulak ko lang siya no'ng nag-flashback bigla 'yong nakaraan ko habang nag-t-threesome kami. That's it! Hindi ko siya pinatay!"
Oops. Mukhang natapon ang tsaa nang hindi sinasadya.
"So tama nga ako? Tinulak mo si Prisoner five kaya nabagok ulo niya? Kaya may dugo-dugo sa may sentido niya? Sabihin mo!" pilit na diin ni President.
"How would I know?! Walang liwanag no'n... hindi ko alam kung dugo, pero napasigaw ako nang makahawak ako ng basa sa may ulo niya dahil hahalikan ko sana siya. Kaso bigla niya akong sinakal, sobrang sakit kaya ginawa ko ang lahat para makakalas sa sakal niya na walang ginagawang ingay. Madali kong pinalagay kay Prisoner four si bading sa higaan dahil pakiramdam ko pinatay ko na nga siya nang tuluyan, pero bago 'yon, sinuntok ni Prisoner four si Prisoner five para kung sakali man na ako ang maturo, siya ang aako bilang suspect."
Nakahawak siya ng dugo? Pero no'ng nakita namin siya nakahawak lang siya ng rosary niya habang nanginginig? Wala akong nakitang dugo sa palad niya. Teka, sa rosary niya pinahid 'yong dugo? Huh, kaya pala hawak siya nang hawak do'n. Alam niyang hindi mahahalata kapag sa rosary niya pinahid dahil kakulay rin ng dugo ang rosary niya.
Tumahimik ang lahat. Mukhang tamang desisyon nga ang ginawa ko, pero mali ang hinala ko, isa lang talaga ang pumatay sa biktima. Para akong nabunutan ng tinik sa nangyari ngayon. Laking pasasalamat ko sa grupo nila President dahil laking tulong sila sa pagpapaamin sa suspek. If that were Setsuna or Azazel, siguro hindi aamin ang suspect. No offense.
"Time for Class Voting! Hmm, any objections? Suggestions? Please say so before there is no chance left to change your future!~"
Mabilis lang na-process ang votes dahil umamin na si Prisoner three, wala nang puwede pang halungkatin pa.
BINABASA MO ANG
RELOAD
Mystery / ThrillerA fire occured in Courage's first day of school in Creighton University, not knowing what havoc brings her after she wakes up in an oddly familliar place that brought forgotten memories of her traumatic childhood. Now that they're inside the buildin...