COURAGE
Day two of being in this place called hell.
We were woken up to the sound of an annoying alarm. Ngayon lahat kami'y lutang pa at wala sa katinuan. Gulo-gulo ang mga buhok na para bang nagsabunutan kagabi bago matulog. 'Yung iba hindi na nga nagpalit ng damit, naka-uniform pa rin. We were asked to gather in the usual place para raw mag-exercise. I know, it's crazy.
Nasa harap si president, she was guiding us sa exercise namin ngayon. Hingal na hingal at uhaw na uhaw na ako. She went here beforehand I suppose, she looks ten times decent than most of us. Unfair, kung ganito benefits ng pagiging president edi sana nag-volunteer na rin ako.
Kidding. I don't really care what I look like at all, I have other priorities. Ngayon, unang-una na ang matapos itong morning exercise namin. Ilang minuto na kaming nagbabanat ng buto, kailan ba 'to matatapos?
"Next naman, Jumping Jacks! One! Two! Three!" Huminga ako nang malalim bago gayahin si president. Hindi naman kami inorient ni MC na may pa ganito. Konti nalang siguro babagsak na ako. This is worse than a 3-minute plank!
I noticed most of the students in the back are taking advantage of their position, hindi sila gaanong nagalaw katulad ng mga nasa harap— nanunuod kasi si MC sa amin, they were trying their best. Nasa kalagitnaan ako banda sa gilid kaya I still needed to extract some effort.
"Last na guys, come on! Let's breathe in and breathe out! Inhale... exhale... hmm baho ah!"
We did some breathing which completely helped me catch my breath, now, all I needed is water. Tuyong-tuyo na lalamunan ko. All the waters in my body formed into sweats. Pagkatapos ng last exercise na iyon at nag pupunas kaming lahat ng pawis.
"Thank you, president for leading our first ever morning exercise!~ You guys made me laugh, looking extra goofy doing those exercises. Hihihi." MC covered its mouth whilst chuckling, the laugh sounded too genuine. Mukha ba talaga kaming nakatatawa?
"I am here to announce something," bumalik siya sa pagiging seryoso. Bumalik 'yung dark atmosphere na naramdaman ko kahapon. "You can check the schedule of the subjects posted inside your rooms later after drinking some fresh water. See you later, prisoners~ Hihihi!"
Ugh, the laugh always gets me. It would be a different case kung tunog tao siya, e. But it's from a robot's voice na pinaghalo sa boses ng isang bata at isang tao. Nakakatindig balahibo.
Pumunta kaming dining area just like what MC instructed, uminom muna kami ng tubig bago umakyat sila sa sari-sarili nilang mga kwarto. May mga nag-uunahan sa pitsel na malamig kaya may mga natapon na tubig. Sinuway sila ni president kaya tumino rin sila agad. Nagpahuli na ako uminom kasi ayaw kong makipag bardagulan sa kanila para lang sa tubig. Ngayon palang nakikita ko na ang gulo na mangyayari kapag may nangyaring hindi kaaya-aya.
Kumuha na ako ng malinis na baso at nagbuhos ng tubig dito, ni hindi nga nakalahati kasi muntik na nilang maubos 'yung tubig sa pitsel. Ang ginhawa sa pakiramdam pagkatapos makainom ng malamig na tubig, I wanted more, kaya kumuha pa ako ng pitsel na malamig na hindi pa nababawasan. Binalik ko rin ito agad pagkatapos.
Nagpunas-punas ako pagkatapos kong uminom dahil cleaners nga pala ako ngayon. Ni hindi ko nga namalayan na huling linggo na pala ng Mayo ngayon kung hindi pa i-reremind sa akin ni Barbie kanina habang nag-eexercise kami. Nagpuno rin ako ng tubig mula sa mineral water dito at linagay sa refregirator para lumamig. Baka may mangyaring hindi maganda sa amin kapag hindi namin ginawa ang trabaho namin bilang cleaners ngayon. Dati, I used to have classmates trying to escape being cleaners. Especially boys who had gone to the computer shop by then. Inaamin ko, isa akong bida-bidang classmate na isusumbong ka sa teacher, kaya malas nalang mga kasama ko sa isang araw na iyon. Nakakatawa kasi kapag nalaman nilang pareho kami ng araw, nagpapa-change sila ng day, 'yung iba, tinanggap na nila 'yung kinabukasan nila.
BINABASA MO ANG
RELOAD
Mystery / ThrillerA fire occured in Courage's first day of school in Creighton University, not knowing what havoc brings her after she wakes up in an oddly familliar place that brought forgotten memories of her traumatic childhood. Now that they're inside the buildin...