Courtney's POV
"Ako na." Sabi nya matapos kunin yung bag ko at isabit sa balikat nya.
Hindi na ako nakatiis at hinarap ko na sya. Alam kong may deal na namamagitan samin pero ayoko ng ganito. OA na kung OA pero ayoko talaga. Yung mag act sa letcheng deal na yan.
"Pwede ba wag ka nang mag paka-plastic! Kung akala mo magiging kagaya ako ng mga ibang babae na natawagan mo, pwes akala mo lang yun."
"I'm just trying to be like a normal boyfriend here."
"Tingin mo ba normal yung ginagawa mo? Tatawagan mo kung sino ang gusto mong tawagan para lang maging girlfriend mo? HINDI NORMAL YUN!! Hindi mo ba naisip yung nararamdaman namin? Ang Selfish mo!"
"Tss. Gusto nyo rin naman diba?"
"Tingin mo gusto talaga namin? Diba kasi kailan mag act, ginagawa mo kaming laruan. Tao din kami may nararamdaman din, problema sayo sarili mo lang iniisip mo!"
"Unang away ba natin to?" Pag iiba nya ng topic.
Sa bwisit ko kinuha ko yung bag ko sa balikat nya at tumakbo palabas ng gate.
Bwiset!! Sarili nya lang iniisip nya, di ba nya naisip yung mga nararamdaman namin tapos pag na bully naman kami wala syang paki. Ginagawa nya kaming laruan, wala ba syang nanay o kapatid na babae kaya hindi sya nakokonsensya sa mga ginagawa nya sa mga babae.
Nakalabas na ako ng school pero takbo parin ako ng takbo, hinahabol nya kasi ko. Akala mo naman totoo kung makahabol.
"Cea, wait!"
Tumawid ako para makasakay na agad pauwi.
*Beeeeep* *Beeeeep*
Pagtingin ko sa kaliwa may kotse.
"CEA!!!"
May humila sakin at niyakap ako. Pag tingala ko si Brent. Naabutan pala nya ako.
"KUNG MAGPAPAKAMATAY KA! TUMALON KA NA LANG SA TULAY HINDI MAGPASAGASA MANG DADAMAY KA PA!!" Sigaw nung driver ng kotse. Bwiset sya wala sya sa highway para ganun magpatakbo ng kotse ang bilis bilis.
BINABASA MO ANG
One Missed Call (착신 아리) [EDITING]
FanfictionAno ang gagawin mo kung ikaw na ang isunod na i-Missed Call ng isang Brent Darryl Jackson? Mag-act gaya ng tradition o hindi sumunod sa tradition? Ano nga ba ang misteryo sa likod ng isang ONE MISSED CALL ng isang Brent Darryl Jackson? Misteryo...