Chapter 18

206 7 0
                                    

Courtney's POV

OA naman netong lalaki to, biruin mo? Dinamdam daw nya yung nangyari kahapon?

Yung hindi ko pakikipag-usap sa kanya? Ayun hindi na kumain at nag lasing pa-- malala nakipag basag-ulo pa.

Kaya pala may pasa sya sa gilid ng labi nya, kanina ko lang napansin nung bumagsak sya.

Nandito kami ngayon sa clinic, pinatulog sya nung school nurse. Kulang daw kasi sya sa tulog at pagod daw yung katawan. Ano basag ulo pa?!

Ayaw pa nga nyang matulog kasi daw baka umalis ako, Psh. Ano naman kasing mapapala ko dito? Sya tong hindi kumain at nakipag-away pa tapos ako pa peperwisyohin nya ngayong nilalagnat sya?

Hinawakan nya yung kamay ko para daw maka-siguro syang hindi ako aalis sa tabi, kaya ang labas? Ayun hindi na ako nakakain, hindi na ako nakapasok, pawis pa yung kamay ko. Paano kanina pa nya hawak.

RT RT kasi netong lalaking to, akala mo naman totoo ko talagang boyfriend.

"Miss Cea, hindi pa po kayo papasok?" Tanong nung nurse sa'kin.

"Ate gustuhin ko man tignan mo 'to." Sabi ko sabay angat nung kamay ko na hawak hawak ni Brent.

"Alam mo Cea ang swerte mo." Ay grabe nakipag chismisan si Ateng Nurse sa'kin hahaha.

"Paano mo naman po nasabi yan? Ako swerte? Eh mukhang etong sem na to ang pinakamalas na sem para sa'kin."

"Alam mo kasi kapag nagkakasakit yan si Brent, dahil lang sa pakikipag basag-ulo pero ngayon dahil sa pag aaway nyo. Bago yun ha." Paliwanag nya. "At eto pa tuwing nandito yan, sya pa magpapa-alis sa girlfriend kuno nyang tinawag kaya na daw kasi nya sarili pero sa'yo? Tignan mo gusto nya ikaw mag bantay sa kanya tapos hawak pa kamay mo, haba ng hair mo teh." Dagdag pa nya.

"Anong swerte dun teh? B.I. nga neto tignan mo hindi ako nakapasok ng dahil sa kaartehan nya."

"Hahaha, pagbigyan mo na may sakit oh." Psh, may magagawa pa ba ako? Eto't hawak na nga yung kamay ko at ayaw akong paalisin.

"As if Ate may choice pa ako hawak na nga yung kamay ko e." Ngumiti naman sya bago umalis.

Naramdaman kong may naglalaro ng kamay ko kaya tinignan ko kung sino yun.

One Missed Call (착신 아리) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon