Courtney's POV
"Alam mo Cea hindi talaga ako makapaniwala na--- OH MY GHAD CEA!!" Sigaw ni Yvette.
Friday the 13th ba ngayon? Bakit ang malas malas ko ngayong araw?
Una nasira ang umaga ko dahil ang unang unang tao na nakita ko kaninang umaga ay si Brent, pangalawa ipinahiya ako ni mama sa harap nya. Pangatlo nalate ako kahit pa sabihing late si mam paano na lang kung walang meeting na nangyari edi late talaga ako. Pang-aapat classmate ko na si Brent kupal the kutong lups. Tapos ngayon matatapunan ako ng coffee shake dahil pag-ikot ko galing sa pag babayad nabunggo ako ng hindi tumitingin sa daan na si Brent 'kupal the kutong lups' Darryl Jackson!!!
"Ano ba?! Bakit ba hindi ka tumitingin sa daan ha?!" Sigaw ko sa kanya.
"Ako ba yun? Eh ikaw nga dyan basta basta na lang umiikot e!"
"Malamang ano gusto mo maglakad ako paatras? Ikaw na nga nakabunggo at nakatapon sa uniform ko ng coffee shake ko, ikaw pa galit?!"
"Tsk." sabi nya sabay kuha nung hawak kong pizza at inaabot to kay Yvette na gulat parin ang mukha hanggang ngayon. "Hawakan mo to babaeng may leukemia." Sabi pa nya kay Yvette. Babaeng may leukemia? Sabagay di ko sya masisisi, sobrang puti kasi ni Yvette. Putla nga nya, aakalain mo talagang may sakit sya.
"H-hoy! B-bakit m---" Naputol yung pag aangal ko dahil sa pag kuha nya ng pizza ko ng hilahin nya ako-- more on kaladkarin.
"Ano ba saan mo ba ako dadalhin?!" Hindi sya sumagot kaya umangal ulit ako.
"Ano ba pwede bang wag mo kong kaladkarin! Bilis bilis mong maglakad kala mo naman may humahabol sayo!" Humigpit yung pag kakawak nya sa wrist ko.
"ANO BA BRENT NASASAKTAN AKO!!" Sigaw ko sa kanya pero hindi nya parin ako pinansin at nag tuloy parin sya sa pag lalakad. Hanggang sa makarating kami sa kabilang building.
Nakarating kami sa clothing area ng school. Bilihan ng mga uniforms yun. Dahil sa school ka lang makakabili ng uniform. Hindi ka makakabili sa kung saan man nabilihan ng mga uniforms sa school lang talaga. Wala e maarte school namin e.
Nang nasa tapat na kami ng room kung saan yung bilihan ng sa mga pang-babaeng uniform iniharap nya ako sa kanya. Buti naman at binitawan nya ako ang sakit na kaya ng wrist ko, ang higpit ng pagkakahawak nya.
Hinawakan ko yung wrist ko na hawak nya ng mahigpit kanina at hinimas himas yun. Sakit e.
BINABASA MO ANG
One Missed Call (착신 아리) [EDITING]
FanfictionAno ang gagawin mo kung ikaw na ang isunod na i-Missed Call ng isang Brent Darryl Jackson? Mag-act gaya ng tradition o hindi sumunod sa tradition? Ano nga ba ang misteryo sa likod ng isang ONE MISSED CALL ng isang Brent Darryl Jackson? Misteryo...