Chapter 19

241 8 0
                                    

Courtney's POV

Bwiset na weirdong babae yun, halos hindi na nga ako nakatulog kagabi kakaisip kung bakit sila nag-F.O. F.O ni Dek ngayon excited akong pumasok at itatanong ko na sa kanya kung ano talaga ang nangyari hindi naman sya pumasok.

Nakakainis kasi kahapon yung last teacher namin, dahil late daw sya mag O.T daw sya, kaya anong oras na ako naka-uwi kung hindi pa ako inihatid ni Brent baka lalo akong ginabi, si Ashlyn naman bigla na lang hinila nung pinsan nya na halos isang oras nag-hintay sa labas ng room namin, dahil sa lahat ng klase kami lagi ang huling lumalabas.

Hindi ko tuloy naitanong sa kanya kung anong nangyari.

"Bakit naka-busangot yang mukha mo?" Tanong ni Brent na kararating lang. "At ang aga mo ngayon ah, anong meron?"

Dahil nga badtrip ako kay Ash, inirapan ko lang sya at inilagay sa tainga ko yung earphones ko. Bahala sya wag nya akong aasarin baka sa kanya ko nanaman maibuhos yung inis ko kay Ash.

At talagang sasagarin nya ako? Gusto nya yatang sakanya ko ibuhos yung badtrip ko kay Ash. Paano ba naman sinudot sundot yung tagiliran ko.

Sinamaan ko sya ng tingin, malamang hindi effective sa isang tulad nya yung mga ganun ko, nginitian nya lang ako ng sobrang nakakainis na ngiti kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at tsaka umalis. Pero sumunod sya sakin sa labas ng room.

"Anong bang problema mo? Hindi ka ba makaintindi? Ayoko munang makipag-usap kahit kanino, kaya nga kita nilayuan pero sumunod ka naman sakin? Lumayo ka muna Brent baka sa'yo ko maibuhos yung inis ko kay Ash."

Bigla naman nawala yung ngiti nya at parang nalungkot sya doon sa sinabi. Psh ano ba yan na gu-guilty ako, kasi naman ang kulit nya. Bago pa ako makapagsalita ulit pumasok na sya sa loob ng room.

"Uy Brent sorry na, naiinis lang naman kanina e. Brent pansinin mo na ako." Ang hirap palang paamuhin netong isang to. Paano ba naman pag pasok ko kanina sa room hindi na ako pinansin hanggang ngayong lunch hindi nya ako pinapansin buti pa yung mga tropa nya pinapansin nya ako hindi.

"Drew, musta yung date mo kagabi? Ayos ba? Naka-score ka ba?" Tignan mo di nanaman nya ako pinansin.

"Wala ka bang tiwala sa'kin Brent? Malamang lahat ng nakakadate ko nai-scoran ko." Ano bang pinag-uusapan nila?

"Yan sinasabi ko sa'yo, hahahaha g-ago ka talaga mag-bago ka na." Nakuha pa nyang tumawa sa harap, saya nya huh!

"Whoaw! Nag salita ang mas masahol pa sa'kin, hahahaha. Hoy! Ako minsan lang makipag-date pag trip ko lang. Eh ikaw? Yung trip mo kakaiba hahahaha missed call pa!" Sabi naman ni Drew kay Brent tapos nagtawanan silang magto-tropa.

One Missed Call (착신 아리) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon