Courtney's POV
"Masakit pa?" Tanong nya kaya tumango ako.
Pero nagulat ako sa sumunod na ginawa nya. O_O
"U-uy, a-anong bang ginagawa mo."
Bigla nya kasi akong hinila at niyakap.
Sinubukan ko syang itulak pero humigpit yung yakap nya kaya pinabayaan ko na lang.
Maya-maya yung baba nya pinatong nya sa ulo. Pero nagulat ako ng hinalikan nya yung ulo ko.
Grabe ha, ganito pala to. Parang boyfriend ko talaga sya kung mag-act sya. Pwede syang gawaran ng BEST ACTOR OF THE YEAR!!
"Sorry Cea, hindi ko alam na nahigpitan ko na yung pagkakahawak ko sayo kanina. Napikon nanaman kasi ako ugali mo kanina."
"Psh. Sabihin mo pikunin ka lang talaga." Sagot ko sa sinabi nya.
"Yeah, i know." Sabi nya pa at lumayo na sa pagkakayakap.
Hinawak nya yung kamay ko na may benda at hinalikan din yun. Ewwie! parang tanga lang sya.
"Tara na sa room." Sabi nya pagkatapos nyang gawin yung kakila-kilabot na pinaggagawa nya sakin.
"Ayoko kakain muna ako." Sabi ko naman. Gutom na kaya ako, konti lang kinain ko kanina sa bahay kasi naiinis ako sakanila ni mama.
Tumingin sya sa wristwatch nya bago sya tumingin sakin.
"Malapit na mag bell, mamaya na lang sa lunchbreak sabay tayo."
Psh. Lagi naman eh-- lagi na lang. Lagi na lang wala akong nagagawa. Lagi na lang syang nanalo at ako? Laging talo.
"That's all for today. Class dismissed."
"Tara na Cea."
Di pa nakakalabas yung taecher namin hinila na agad ako ni Brent palabas ng room. Dumeretso kami sa cafeteria at dahil wala pa ngang bell lumabas na kami wala pa masyadong tao sa cafeteria kaya nakahanap agad kami ng upuan.
BINABASA MO ANG
One Missed Call (착신 아리) [EDITING]
FanfictionAno ang gagawin mo kung ikaw na ang isunod na i-Missed Call ng isang Brent Darryl Jackson? Mag-act gaya ng tradition o hindi sumunod sa tradition? Ano nga ba ang misteryo sa likod ng isang ONE MISSED CALL ng isang Brent Darryl Jackson? Misteryo...