Chapter 17

198 7 1
                                    

Courtney's POV

(The day when Yvette and Yumi, Tyrone and Glenn had a fight. And the day when she and Dexter talked.)

"Cea? Ayos ka lang?" Tanong ni Ash na kararating lang. Tumango naman ako bilang pag sagot sa tanong nya. "Bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo?"

"Wala may naalala lang ako." Okay half meant yun. Inaalala ko pa rin kasi si Ren-ren. Bakit ba kasi yun ang iniisip ko? Ni hindi ko nga alam kung naaalala, o kilala nya parin ako. Kung ako nga hindi ko na sya maalala at kilala, sya pa kaya?

Nanahimik lang sa tabi ko si Ash at sinalampak nya sa tenga yung earphones nya. Nakatulala lang ako ng may tumabi sa left side ko. Di ko sya pinansin, ni tignan nga sya di ko ginawa. Kilala ko naman kung sino sya.

Si Brent.

Dumating yung teacher namin ng hindi kami nag-kikibuan, awkward yung atmosphere namin-- awkward pa sa awkward, sobrang awkward.

Nang mag bell na hinila ko agad si Ash para puntahan sa section-2 yung dalawa. Diba nga sinabihan ko kanina si Dexter na sabay sya samin ngayon.

"Cea," Tumingin ako sa tumawag sa'kin si Dek kasama nya si Yvette, sinabi nya siguro na sasabay sya ngayon. Bigla naman hindi mapakali yung katabi ko.

"Ayos ka lang Ash?" Tanong ko sa kanya.

"H-ha? A-ah oo, a-ayos lang ako." Tumango lang ako.

"Tara na?" Tanong ko sa kanila, nagsitanguan naman sila at sabay sabay kaming pumuntang cafeteria.

Si Dexter biglang inakbayan si Ash, si Yvette naman umakla sa braso ko. Nag pababa na kami ng hagdan may biglang tumawag sa'kin kaya tumingin ako sa likod para makita kung sino yun.

Nakita ko naman si Jacob na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"Pwede ba akong sumabay?" Tanong nya ng nasa harap na namin sya.

"Bakit naman hindi? Tara na." Ngumiti naman sya ng pagka lapad-lapad.

Nang pumasok kami sa cafeteria, nag hiwahiwalay kami sa para maghanap ng mauupuan.

"Huy, Cea nasaan na si Ash, Dexter at Jacob? Nakakita na ako ng mauupuan natin." Bigla naman sabi ni Yvette.

One Missed Call (착신 아리) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon