Courtney's POV
"Hindi ka late Cea." Bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo. "Hindi ka la-Ahhh!"
May biglang humila sa akin, sinandal ako sa pader at tinakpan yun bibig ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko sino yun?
Hindi naman kami close pero bakit nya ako hinila? At bakit kami nag-tatago?
Nag-sshh sign sya kaya tumango ako, na gets ko naman yung gusto nyang iparating e. Maya-maya tinanggal na nya yung pagkakatakip ng kamay nya sa bibig ko.
"S-sorry." Sabi nya sabay tungo.
"Bakit mo ginawa to? A-anong kailangan mo?"
"Cea, desperado na kasi ako pero wag mong sabihin kahit kanino ito kahit kay Brent baka kasi tanggalin nya ako sa grupo."
"Ano ba yun? Anong kailangan mo?"
"P-pwede ko bang-- Aish ang hirap naman nito.. Nakakahiya pa." Sabi pa nya sabay kamot sa batok.
"A-ano ba yun, Glenn?"
"Diba kaibigan mo si Yvette?"
"Oo, bakit?" Si Yvette ay isa rin sa mga kaibigan namin. Classmate sya ni Dexter. Minsan lang sya makasama sa amin ni Ash. Dahil nga mas busy kami kasi may ibang activities pa kami bukod sa acad. Remember first section kami? Pero naging classmate na namin sya nung 3rd yr napabayaan lang nya dahil nag boyfriend ayun mas itinuon ang atensyon sa boyfriend kaya bumaba ang grades kaya nalipat sya ng section 2 this 4th yr namin, pinagsabihan nanamin sya nun di sya nakinig tapos nung nag break sila nung boyfriend nyang hilaw syempre kanino sya tatakbo? Samin mga kaibigan nya, kami naman walang magawa kaya cinomfort na lang namin sya. True friends guys walang basagan ng trip.
"P-pwede ko bang makuha yun number nya?" I gasp.
"M-may gusto ka k-kay Vette?" Gulat na tanong ko.
Marahan syang tumango sabay kamot nanaman sa batok nya.
"Please Cea, nag papaka desperado na ako dito. Inlove na nga yata ako dun sa kaibigan nyo eh. Ewan ko ba kung anong meron doon at tinamaan ako ng ganito." Paliwanag pa nya.
BINABASA MO ANG
One Missed Call (착신 아리) [EDITING]
FanfictionAno ang gagawin mo kung ikaw na ang isunod na i-Missed Call ng isang Brent Darryl Jackson? Mag-act gaya ng tradition o hindi sumunod sa tradition? Ano nga ba ang misteryo sa likod ng isang ONE MISSED CALL ng isang Brent Darryl Jackson? Misteryo...