Courtney's POV
"Hey miss, anong pangalan mo?"
Di ko namalayan nasa harap ko na pala sya, hindi ako sumagot. Hindi ko sya sasagutin.
Kung sya man ang maging FIRST BOYFRIEND ko, hindi ko ico-consider yun.
Kung ina-akala nyang magiging sweet ako sa kanya tulad ng nga nakaraang relasyon relasyon nya. PWES HINDI!! ASA SYA!! ASA!! A-S-A!!
"ANONG PANGALAN NITONG BABAE TO?!"
Sigaw nya sa buong locker room, dahil wala talaga akong balak sagutin sya.
"CEA!! CEA pangalan nya!"
"Courtney!"
"Courtney Eleynn!"
"Courtney Eleynn Arevallo!"
"CEA! I Love You tandaan mo yan."
Sabay sabay na sigaw ng mga nasa locker room.
Sinamaan naman ng tingin ni Brent yung huling sumigaw na nag-i love you pa sa akin. Kala mo naman kami na talaga, kapal ng mukha. Lalo tuloy akong nainis.
"So? Courtney pala pangalan mo?"
"Narinig mo naman diba? Bingi ka ba?"
I heard a gasp around us, dahil ngayon lang may gumanito kay Brent at ako palang yun. Ang sagot sagutin sya.
"Finally nag salita din, anong number mo CEA?"
May diin talaga yung pag kakasabi nya ng Cea. Inirapan ko lang sya. Tulad ng hindi ko pag sabi ng pangalan ko, hindi ko rin sasabihin ang number ko.
Kahit sobrang kinakabahan na ako, hindi ko pinapahalata. Kailan maging matatag ako. Pero bakit ba ako kinakabahan si Brent the playboy lang naman to. Ayy! Ewan!
"Okay, Okay wag kang magsalita. Makukuha ko naman yang number mo in a snap."
Huh? Paki-elam ko. In a snap In a snap pang nalalaman In a snap-in ko mukha mo eh.
Maya-maya may nilapitan syang isang babae at may binulong kuno sya. Bigla naman nilabas nung babae yung cellphone nya-- teka classmate ko to dati, aba si g*g* binigay yung number ko.
Oo mabait ako pero kung kinakailangan lumaban lalaban talaga ako, naiinis na talaga ako. Susugurin ko na sana si Mica, nang may humawak sa braso ko, si Ash. Nandito pa pala sya hindi ko na napansin.
"Kalma teh. Wala ka nang magagawa nandyan na, alam mo naman hindi pwedeng atrasan yan. At tulad ng sinigaw mo kanina wala kang choice.
Mahinang paliwanag nya sakin. Kahit weird to may sense din pala mga sinasabi nya. Tama nga naman, WALA AKONG MAGAGAWA AT WALA AKONG CHOICE!!
*YOU'RE THE NEXT!*
*YOU'RE THE NEXT!*
*YOU'RE THE NEXT!*
Lahat kami napatingin sa likod, kung saan nang gagaling yung tunog.
Sa locker ko kung saan nandun yung isa ko pangcellphone. Dalawa kasi cellphone ko yung isa nasa locker at yung isa nasa akin, yung lumang number ko yata ang na kay Mica kaya ayun natawagan ni Brent-- which is yung nasa locker ko.
*YOU'RE THE NEXT!*
*YOU'RE THE NEXT!*
*YOU'RE THE NEXT!*
Pupunta na sana ako sa locker ng may humawak sakin. Napatingin naman ako sa braso ko at sa taong humawak sakin-- si Brent."I told you, in a snap. I gonna get your number."
"So what?"
"Now, can you be my girl?"
Can you be girl! Can you be girl! *insert make face* Can you be my girl mo mukha mo!! Bwoset!! Playboy!
Wala na ibinababa na nya yung cellphone nya means-- he missed call me. Namissed na nya ako.
"Like what i said earlier, AS IF NAMAN MAY MAGAGAWA AKO AT MAY CHOICE AKO!! Pag tumanggi ba ako may magbabago ba?!"
"So tayo na?"
"BINGI KA BA TALAGA O TANGA LANG?! KAILANGAN PAULIT-ULIT HA?!"
Wala na akong nagawa dahil wala nga akong magagawa, yung inaakala ko kaninang hindi nya na ako mamimissed call-- akala ko lang pala. Kahit naman sagutin ko yun alam kong tatawag parin sya ng hindi ko alam kaya wala talaga akong magagawa.
Hindi ko talaga akalain na mangyayari to. Tanga ko lang naman talaga bakit ko ba kasi sinigaw yun.
So? I'm not NBSB anymore. Pero sabi ko nga kanina hindi ko sya ico-consider as my First Boyfriend.
"Ahm? Cea? Tara na sa room?" Sabi ni Ash dahil nag-bell na.
"Hatid ko na kayo." Sabi naman ni kutong lupa.
Nauna na akong maglakad sa kanilang dalawa dahil kanina pa ako naiinis kay Ash pa lang tapos dumagdag pa tong Brent na to.
Nang papasok na ako sa loob ng room may humila ng braso ko.
"Una na ako." Si Brent. Tumango lang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nya.
Last section sya at first naman ako, kasi nga scholar ako diba?
Yeah Last section sya, pero ang sabi sya daw ang top 1 dun, matalino daw sya ayaw lang sa 1st section mas gusto sa last.
Buong 2nd half class lutang ako, iniisip kung bakit biglang nangyayari sakin ngayon to. May nagawa ba akong kasalanan sa past life ko? Bakit pati First Boyfriend ko kinuha ng isang playboy at napunta lang sa isang deal, isang deal na wala kang choice. Kahit naman anong sabi ko sa sarili kong hindi ko sya ico-consider as first boyfriend, sya parin e at hindi na magbabago yun kahit isang deal lang yun.
Bwoset! Bakit trip nya mga babae dito sa MidStone? Wala na bang babae sa mundo para pagtripan nya kami? Matumal ba lovelife nya kahit pogi sya kaya ganyan sya? Anong ginawa namin sakanya para paglaruan nya kaming mga babae? Madami naman nagkakagusto sakanya bakit hindi na lang 'yon ang gawin nyang girlfriend? Bakit kami pang mga nanahimik? Yan lang naman ang mga tanong ko sa isip ko habang lutang ako.
"Okay class dismissed!"
Uwian na pero lutang parin ako. Ewan kung bakit ganito ako, siguro dahil big deal para sa akin yun. Dahil NBSB ako.
"Cea! Una na ako may pupuntahan pa ako."
Tumango lang ako kay Ash. Naglalakad lang ako sa hallway ng may kumuha ng bag ko.
BINABASA MO ANG
One Missed Call (착신 아리) [EDITING]
FanfictionAno ang gagawin mo kung ikaw na ang isunod na i-Missed Call ng isang Brent Darryl Jackson? Mag-act gaya ng tradition o hindi sumunod sa tradition? Ano nga ba ang misteryo sa likod ng isang ONE MISSED CALL ng isang Brent Darryl Jackson? Misteryo...