Chapter 14

219 8 0
                                    

Courtney's POV

Hindi ko alam kung yun lang yung nangyari matapos nung encounter namin ni Ren-ren. Hindi ko na matandaan o hindi ko na maalala? Matapos nung nangyari saakin noon yun na lang yung alaala namin ni Ren-ren na naaalala ko-- yung first encounter namin.

Iniisip ko.. Madalas kaya kaming magkatext at magkatawagan dati? Matapos ng nangyaring yun nagkita pa kaya kami? Ano kaya yung tunay nyang pangalan-- yung buong pangalan nya?

"Ouch!" Natigil ako sa pag-iisip ng may tumamang flying saucer sa ulo ko. Ano ba yan hapon na naglalaro pa ng ganun pa gabi na nga eh.

"Ay sorry po ate, sorry." Sabi naman nung batang babae na nakatama sa akin. "Ayusin mo kasi tignan mo natamaan mo si ate." Sigaw naman nya dun sa kalaro nya.

"Ate sorry hindi po kasi ako marunong eh." Hinging paumanhin naman nung nakatama sa akin.

Nginitian ko na lang sila at kinuha ko yung frisbee nila na nalaglag sa tabi kasi nga diba tumama sa ulo ko. Pag ka kuha ko inabot ko na sa kanila yun.

"Thank you po ate and Sorry ulit."

"Wala yun. Sa susunod pag hindi mo kaya o hindi ka talaga marunong wag mo nang ipagpilitan. Ikaw rin ang mahihirapan at makakasakit ka pa ng ibang tao tulad nung kanina."

"Opo, sorry po talaga."

Nginitian ko ulit yung bata at ginulo ko yung buhok nya. "Sige una na ako, Bye."

"Bye po ate." Kumaway sila sakin bago ako tumalikod at umalis ng park.

Nasaan na kaya sya ngayon? Ano na kaya yung itsura nya ngayon? Mayabang parin kaya sya hanggang ngayon?

Isa yan mga yan sa tanong na gumugulo sa utak ko may pakiramdam kasi ako na parang gusto ko ulit makita si Ren-ren matapos kong syang maalala nung nasa park ako.

"Lalim ng iniisip mo Cea ah. Dahil ba yun dun sa Brent na yun?" Nagulat ako sa biglang nagsalita sa tabi ko.

"Ano ka ba naman, di ka muna mag paramdam na nandyan ka bago ka magsalita."

"Hoy! Cea kanina pa ako dito sa tabi mo hindi mo lang ako napansin dahil sa lalim ng iniisip mo."

One Missed Call (착신 아리) [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon